Obispo ng Infanta, ipinagdarasal ang kagalingan ni Fr.Pete Montallana.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,015 total reads

Nanawagan ng panalangin ang Obispo ng Prelatura ng Infanta para sa pangangalaga ng kalikasan gayundin sa mga indibidwal na patuloy nagmamalasakit upang ipagtanggol ang kaayusan ng kapaligiran.

Sa pahayag ni Bishop Bernardino Cortez, binigyang diin nitong mahalagang magkaisa ang mamamayan sa pagsusulong at pagtataguyod sa malinis at maayos na kalikasan sa kapakinabangan ng bawat isa.

Ipinanalangin din ng Obispo ang agarang paggaling ni environmentalist priest Rev. Fr. Pete Montallana na sumailalim sa operasyon dahil sa namumuong dugo sa utak.

Si Fr. Montallana ang lead convenor ng Save Sierra Madre Network Alliance ang grupong nangunguna sa pagtatanggol sa kabundukan ng Sierra Madre na nahaharap sa bantang pagkasira bunsod ng binabalak na Kaliwa Dam Project ng pamahalaan.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa grupong makakalikasan na kinabibilangan ni Fr. Montallana, tumaas ang blood pressure ng pari makaraan ang isinagawang pagdinig ng Senado sa usapin ng Kaliwa Dam.

Umaasa si Bishop Cortez na agarang manumbalik ang kalakasan ng kalusugan ni Fr. Montallana at maging huwaran ito ng mamamayan upang higit pang ipalaganap ang adbokasiya para sa kalikasan at mga katutubong komunidad.

PANALANGIN

[Ito po ang inyong lingkod ang obispo ng Prelatura ng Infanta samahan po ninyo ako sa pagdadasal para sa isa sa aming mga pari na si Fr. Pete Montallana na isa sa pangunahing nagsusulong ng adbokasiya para sa pagkakalinga ng ating kalikasan, sa pagmamalakasakit sa ating katutubo at sa tunay na panghabang panahong lunas sa problema ng tubig sa Kamaynilaan.]

Panginoong Hesukristo isinugo ka ng Ama upang tipunin ang lahat ng tao sa isang malaking mag-anak. Pagkaisahin mo po kaming magkakapatid na ngayon ay nananalangin para sa aming kapatid na may karamdaman na si Fr. Pete Montallana.

Ibuhos mo sa amin ang iyong Espiritu ng pagkakaisa, tulungan mo kaming mapalaganap ang kanyang mga adbokasiya sa pangangalaga ng inang kalikasan, sa pagmamalasakit at pagtatanggol sa karapatan ng ating mga kapatid na katutubo, at higit sa lahat ang Save Sierra Madre Network lalot higit ang No Kaliwa Dam and Yes to Alternative sources of water na lunas sa pangangailangan ng Kamaynilaan sa tubig.

Maging buhay na tanda nawa kami ng iyong pag-ibig at pagkakaisa kayo na nabubuhay kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Amen!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 39,916 total reads

 39,916 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 62,116 total reads

 62,116 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 98,615 total reads

 98,615 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 319,242 total reads

 319,242 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 351,588 total reads

 351,588 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top