Oil price hike, nagpapalugmok sa agriculture sector ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

Pinapahirapan ng hindi maabatang oil price hike ang sector ng agrikultura sa bansa.

Ito ang inamin ni Samahan Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairperson Rosendo So matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa mahigit 4.3-milyon ang bilang ng mga walang trabaho para sa buwan ng Setyembre 2021.

Sa tala, nangunguna ang mga manggagawang mula sa sektor ng Agrikultura kung saan umabot ang bilang ng mga walang hanapbuhay sa higit 862-libo.

“Last year nasa Php29 lang yung diesel ngayon nasa Php51 na, yung gasolina almost Php61-Php62 ang laki ng itinaas so lalong nahihirapan talaga yung sektor ng agriculture diba dahil yung pag-gamit ng ng mga equipment mga traktor, razor at patubig doon sa farmland kailangan ng krudo tsaka gasolina, ang cause ng pagbaba pagtaas so expected bagong- mahihirapan ang Agri-Sector,” pahayag ni So sa Radio Veritas.

Tinukoy din ni So ang pananalasa ng mga bagyo na lubos na nakaapekto sa sector ng agrikultura ng bansa na higit na nagpapahirap sa mga magsasaka at mangingisda.

Kaugnay nito, nanawagan ang SINAG sa pamahalaan na tulungang makabangon at makabawi ang mga magsasakang nasalanta ng kalamidad upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin maging ng mga produktong petrolyo.

“So far wala masyadong naramdaman yung majority, yung sector ng agrikultura lalo na hindi sapat yung pag-support sa ating Agri-sector, yung pagbili nalang ng palay, hiningi natin na i-increase yung procurement ng NFA dahil mga total 2% ang aanihin ng community nila hindi naman nila inincrease yung procurement doon sa mga magtatanim ulit, we hope na matulungan dahil yung inputs talagang almost 2.5 times yung increase yung ang malaking problema ng mga magsasaka ngayon, chain reaction yan kung mataas ang produkto siyempre ibebenta ng mas mataaas yun,” ayon sa pahayag ni So.

Sinabi ni So na suliranin din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga fertilizers o pataba sa lupa.

“May na-allocate doon sa bayanihan 2, parang 1-thousand pesos per hectare na 2 box of fertilizer na subsidy yung sa in-out inbreed, yung sa high breed lalo na mga 3 box of fertilizer, pero ngayon lalong tumaas ang pataba parang lumalabas nagbabayad parin yung magsasaka ng kalahati dahil dati kung 850 lang yung presyo ngayon umaabot na ng 2-thousand,” dagdag ni So.

Iminungkahi ni So sa pamahalaan na tugunan ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at paglalaan ng malaking pondo sa agriculture sector.

Una ng ipinabatid ng Kanyang Kabanalang Francisco ang mensaheng pangalagaan ang dignidad at kapakanan ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na pangunahing sector na lumilikha ng pagkain sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,182 total views

 43,182 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,051 total views

 39,051 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,253 total views

 75,253 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,077 total views

 84,077 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 109,728 total views

 109,728 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top