Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

On-line conference on capability building, isasasagawa ng CBCP prison ministry

SHARE THE TRUTH

 512 total views

Magkakaloob ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ng serye ng online Volunteer Capability Building Seminar on the Prison Ministry ngayong Hunyo at Hulyo.

Ayon sa prison ministry, layunin ng online seminar na pukawin ang damdamin at kamalayan ng mga volunteer ang kalagayan ng mga bilango sa ating bansa.

Ang unang tatlong serye ng online-seminar ay gaganapin sa June 11, June 18, at June 25 sa prison service volunteers mula sa Luzon at National Capital Region.

Itinakda naman sa July 9, July 16 at July 23 sa mga volunteer mula sa Visayas, Mindanao at mga katuwang na organisasyon mula alas-8:30 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

“This seminar is for new and existing VIPS (Volunteers In Prison Services) only,” ang bahagi ng paanyaya ng kumisyon.

Inaasahang ang pakikipanayam ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng Prison ministry ng CBCP ang pagbabahagi at pagninilay para sa pakikipag-ugnayan sa mga bilanggo at pagbibigay ng pag-asa tungo sa pagbabalik-loob at makapagbagong buhay.

Kabilang sa mga magsisilbing tagapagsalita sa seminar sina Fr. Nezelle Lirio – executive secretary ng komisyon; Consultant Bro. Rodolfo Diamante, na dati ring nagsilbi bilang executive secretary ng kumisyon; Bro. Gerard Ian; Atty. Rommel Alim Abitria-executive director ng Humanitarian Legal Assistance Foundation, Inc-HLAF; at Bro. Michael Bartolome-pastoral program officer ng CBCP-ECPPC.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 7,721 total views

 7,721 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 21,156 total views

 21,156 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 38,006 total views

 38,006 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 49,298 total views

 49,298 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top