Pahalagahan ang kasarinlan ng bansa na bunga nang pagpapagal ng mga bayaning Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 946 total reads

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy ipaglaban ang kalayaan para sa kabutihan ng nakararami.

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.

Ayon sa obispo mahalagang alalahanin ng bawat Pilipino ang kasarinlang tinatamasa ng bansa dahil sa pakikipaglaban ng mga ninuno.

“Huwag natin i-surrender ang Kalayaan natin na mag-isip, na magsalita, na maniwala at ng sama-samang pagkilos para sa kabutihan ng lahat. Ipasalamat, ipagdasal at panindigan natin ang ating kasarinlan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Tinukoy ng opisyal ang pakikipaglaban noon ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, Amerikano at Hapones upang matamo ang kalayaan ng Pilipinas sa pambibihag ng mga dayuhan.

Dapat ding alalahanin ayon kay Bishop Pabillo ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa katarungan at kapayapaan laban sa Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan laganap ang karahasan at pang-uusig ng militar at pulis sa kapwa Pilipino.

Ayon sa tala ng Human Rights Victims’ Claims Board nasa 11-libong Pilipino ang biktima ng human rights violations noong martial law sa pagitan ng 1972 hanggang 1986.

Panawagan ni Bishop Pabillo sa mamamayan na ingatan ang kalayaang tinamasa lalo’t marami ang nagbuwis ng buhay upang makamtan ang kapayapaan para sa susunod na henerasyon.

“Magpasalamat tayo sa kanila lalo na sa mga nagbuhos ng buhay upang tayo ay maging malaya. Ingatan din natin ang kalayaang ito upang hindi ito mawala sa atin,” ani Bishop Pabillo.

Tema ng 124th Independence Day o Araw ng Kalayaan, ang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas (Rise Towards the Challenge of a New Beginning)” na layong bigyang diin ang pagbubuklod ng mga Pilipino para mapagtagumpayan ang bawat hamong kinakaharap sa kasalukuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,418 total reads

 13,418 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,417 total reads

 112,417 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,687 total reads

 156,687 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,798 total reads

 179,798 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,144 total reads

 254,144 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top