Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 394 total views

Homily for Jan 09, 2021, Feast of Christ, the Eternal High Priest, Jn 17:1-2,9,14-26

Ang araw ng Huwebes pagkatapos ng Pentekostes ay Feast of Christ the Eternal High Priest. Ito sana ang araw na mas bagay i-celebrate ang popular devotion sa Nazareno.

Nabanggit ko ito sa aking homily noong Jan 9, 2020 tungkol sa Nazareno. Nasabi ko noon na matagal ko nang itinatanong kung bakit tinatawag siyang “Nuestro Padre Jesus Nazareno”. Sa Espanyol, ang ibig sabihin ng “Nuestro Padre” ay Aming Ama. Naitanong ko nga ito minsan sa isang deboto: “Hindi kaya dapat ‘Nuestro Hermano’ Jesus Nazareno(Aming Kuya) imbes na nuestro padre? Anak siya ng Diyos at tinuruan niya tayong tumawag sa kanyang Ama bilang ating Ama, kaya kuya natin siya.”

Sagot niya, “E kasi ho, PARI siya, di ba? Ano ba ang tawag namin sa mga pari kundi PADRE?” Napaisip tuloy ako, ang Tagalog nga naman natin para sa salitang Espanyol na “sacerdote” ay PARI. At ang “pari” ay galing sa PADRE. PADI sa Bisaya or PADS, sa Guam ay PALE, at sa Tagalog PARI.

Hindi pala “Aming Ama o Tatay Hesus Nazareno” ang dapat maging translation ng Nuestro Padre Jesus Nazareno kundi “Aming Pari, Hesus Nazareno.” Magandang reminder ito na iisa lang ang Pari natin, at tayong lahat, sa pamamagitan ng binyag ay nakikiisa sa Pagkapari ni Kristo. Ito ang tinatawag sa Vatican II na “Common Priesthood of the Faithful”.

Sa araw na ito magandang pagnilayan, PAANO TAYO NAKIKIBAHAGI SA PAGKAPARI NI KRISTO?

Nabanggit ko na, na SACERDOTE ang tawag sa Espanyol sa mga sinaunang pari. Galing naman sa Latin na SACERDOS: a sacred gift, alay na banal. Ang papel kasi nila sa templo ay ang mag-alay ng sakripisyo para sa bayan ng Diyos. Sila ang tagapamagitan ng tipanan ng Diyos at ng bayang Israel. Sila ang Tagapagkasundo; nag-aalay sila ng sakripisyo upang i-reconcile ang mga nawalay sa Diyos dahil sa kasalanan, o dahil sa paglabag sa tipan.

Sa katagalan parang nawalan ng kahulugan ang pag-aalay nila ng mga handog sa Diyos. Maraming beses ngang binatikos ito ng mga propeta sa Matandang Tipan: halimbawa sa Isaias 1: 11-17, ganito ang pahayag ng Diyos ayon sa propeta:

“Ano ba ang halaga sa akin kung mag-alay man kayo ng maraming sakripisyo? Nasusuklam na ako sa pagkatay ninyo ng mga hayop; hindi ako natutuwa sa dugo ng mga baka, mga tupa at kambing. Kapag lumapit kayo sa akin para sumamba, sino ba ang nagsabi sa inyong hinihingi ko ang ganyang mga handog? Mas ikaliligaya ko pa kung itigil na lang ninyo ang paglapastangan sa dangal ng inyong kapwa.”

“Kahit itaas ninyo nang paulit-ulit ang mga kamay ninyo, ipipikit ko ang mga mata ko; kahit magdasal pa kayo nang magdasal, hindi ko kayo pakikinggan. Sapagkat ang mga kamay ninyo ay puno ng dugo. Maghugas muna kayo at maglinis ng kalooban, talikuran ang katiwalian, iwaksi ang kasamaan…at sa halip, gumawa ng kabutihan. Hangarin ang katarungan, ipagtanggol ang mga dukha at inaapi, damayan ninyo ang mga balo at ulila.”

Kahit sa Salmo 51:18-19, ganito rin ang sinasabi, “Hindi mo ikinatutuwa Panginoon ang aming mga sakripisyo, ang aming mga susunuging handog hindi mo ikinaliligayang tanggapin. Ang sakripisyong hinihingi mo ay isang kaloobang wagas na nagsisi, isang pusong dalisay at pakumbaba, ito O Diyos, ang hinahanap mo.”

Kaya pala parang naging negatibo na ang kahulugan ng pagkapari at pag-aalay ng sakripisyo sa Bagong Tipan, lalo na sa mga ebanghelyo. Hindi ba sa ikinuwentong parable ni Hesus tungkol sa manlalakbay na biniktima ng mga tulisan, ang ginawa niyang bida ay ang Samaritano, hindi iyung Pari at Levitang kapwa naglilingkod sa templo? Ang taga-alay ng sakripisyo ang ginawa niyang larawan ng kawalan ng malasakit. Kaya marahil sa bandang huli, mga paring Saduseo ang nakabangga ni Hesus at naging kaaway niyang mortal. Sila ang nangulit kay Pilato na ipako siya sa krus.

Parang inulit ni Hesus ang mensahe ng mga sinaunang propetang tulad nina Isaias at Jeremias: “kung inaakala ninyong sapat na ang mga sakripisyong sinusunog ninyo para pagtakpan ang inyong mga kasalanan, nagkakamali kayo.”

Sa buong New Testament, doon lang sa Letter to the Hebrews tayo makakatatagpo ng isang positibong pakahulugan tungkol sa pagkapari, at doon lang iniuugnay ito kay Kristo—hindi sa literal kundi sa matalinghagang paraan. Sabi ng awtor, nawalan daw ng saysay ang paghahandog-sakripisyo ng lumang pagkapari dahil kailangan itong ulit-ulitin, dahil paulit-ulit ding nagkakasala ang tao at hindi sapat na kabayaran ang dugo ng mga hayop na kanilang isinasakripisyo. Sa ginagawang pagkatay at pagpapadugo ng mga pari ng templo, hindi naman nasasaktan ang nagkasala o ang mismong paring nag-aalay. Isa lang daw talaga ang nasasaktan: ang hayop na isinasakripisyo.

Ito ang babaguhin ng pagkapari ni Kristo. Siya ang paring nag-aalay ng sakripisyo, pero ang iaalay niyang sakripisyo ay hindi hayop kundi sariling buhay niya, katawan at dugo niya. Sabi ng sulat sa mga Hebreo, siya lamang, at wala nang iba, ang tunay at natatanging pari. Hindi niya sasabihin sa makasalanan: ipag-aalay ko kayo ng tupa o kordero. Sa halip, ang sasabihin niya ay, ako ang paring taga-alay, ngunit ako rin ang korderong iaalay, wala akong ibang handog kundi sariling buhay ko. At ito ang pagkapari na ibig niyang ibahagi sa atin.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 14,302 total views

 14,302 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 21,783 total views

 21,783 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 34,923 total views

 34,923 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 40,896 total views

 40,896 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 46,650 total views

 46,650 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,161 total views

 1,161 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,162 total views

 1,162 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,916 total views

 3,916 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,331 total views

 8,331 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,657 total views

 3,657 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,180 total views

 4,180 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,679 total views

 5,679 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,523 total views

 6,523 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,778 total views

 4,778 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,991 total views

 8,991 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,223 total views

 8,223 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,433 total views

 12,433 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,881 total views

 5,881 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,885 total views

 5,885 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,885 total views

 5,885 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top