Caritas Manila, inilunsad ang HAPAG-ASA feeding program sa St. John Bosco Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 956 total views

Inilunsad ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas Damayan ang Nutrition and Feeding Program sa Saint John Bosco Parish sa Tondo, Manila.

Ang programa ng social arm ng Archdiocese of Manila na mas kilala bilang Hapag-Asa Feeding Program ay naglalayong matugunan at maiwasan ang dumaraming bilang ng mga batang nakakaranas ng kagutuman at malnutrisyon.

Katuwang ng Caritas Manila ang Rotary Club of Makati (RCM) na naglaan ng P500,000 pondo bilang pansuporta sa programa ng institusyon sa loob ng anim na buwan para sa higit-150 mga bata na saklaw ng parokya.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual, mahalagang mabigyang-pansin ang suliranin ng malnutrisyon sa bansa lalo na sa mga kabataan nang sa gayon ay makatulong sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan at isipan.

“We have to save the child as soon as possible at ito nga mayroon tayong six months program na Hapag-Asa para maligtas ang bata at mabigyan ng mas normal na kinabukasan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nangako naman si Rotary Club of Makati President Luis Angel Aseoche na ang organisasyon ay patuloy na tutulong at susuporta sa mga adhikain at programa ng Caritas Manila.

Pagbabahagi ni Aseoche na bagamat magtatapos na ang kanyang termino bilang pangulo ng RCM sa Hunyo 30 ay ipagpapatuloy at paiigtingin naman ng susunod na pamunuan ang pagpapabuti sa nutrisyon at pagtugon sa kagutuman ng mga bata mula sa mga mahihirap na komunidad.

“Tamang-tama sa transitioning from my term to the next term, we have as beneficiaries children of school age because they need to have good nutrition for their brains to develop and for them to have a fighting chance to succeed in life and to improve their economic conditions,” ayon kay Aseoche.

Nagpapasalamat naman si Fr. Gaudencio Carandang, Jr., kura paroko ng St. John Bosco Parish-Tondo sa inisyatibo ng Caritas Manila dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa pagtugon sa kagutuman at malnutrisyon ng mga bata.

Tinatayang aabot na sa higit-5,000 ang benepisyaryo ng Hapag-Asa Feeding Program ng Caritas Manila.

Batay sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF noong 2021, nasa 45-milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 30,940 total views

 30,940 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 61,163 total views

 61,163 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 87,814 total views

 87,814 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 182,787 total views

 182,787 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 201,948 total views

 201,948 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top