Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Kapanalig. Isa sa mga problemang dala ng makabagong teknolohiya ngayon ay ang mas madalas na insidente ng online harassment.

Masyadong malaya ang maraming mga netizens sa likod ng kanilang mga computer monitors o smartphones. Wala ng takot ang maraming mga mamamayan sa pagpahayag ng kahit napakaruming mga salita o kahit pa mga death threats. Pakiramdam nila, nakakapagtago sila sa Internet, at ang kanilang mga sinasambulat sa social media ay hindi repleksyon ng kanilang tunay na pagkatao. Ang paniwalang ganito ay napaka-laking pagkakamali. Ang harassment ay kasalanan, online man o offline ito. Sa mga mararahas na salita na lumalabas sa ating bibig, keyboards o telepono naaninag ang poot at pagkamuhi natin sa tao, sa ating paligid, sa mundo. Kahit saan tingnan, ang taong puno ng hatred o poot ay malayo sa liwanag na inaalay ng Diyos sa ating lahat.

Ang online harassment kapanalig ay insidious – hindi lamang nito sinasaktan ang object of hatred, pati ang nang-haharass ay nasasaktan din. Sinisira nito ang pagkatao ng perpetrator at ng biktima. Sinisira nito ang fabric of society – ang esensya ng ating samahan bilang isang lahi, isang malaking komunidad, isang kapatiran.

Kapanalig, ayon sa pag-aaral ng Plan International, pito sa sampung babae sa ating bansa ang nakakaranas ng harassment, partikular mula sa social media. Ayon sa  mga nasurvey ng pag-aaral, madalas mangyari ang online harassment. Sila mismo o mga kakilala nilang babae ang target ng karahasan na ito. 67% ng mga nasurvey ang nagsabi na mga kakilala nila mismo ang nangha-haharass sa kanila.

Napakalaki ng epekto ng online harassment. Kahit pa sa social media ito nangyayari, ang epekto nito sa physical reality ng mga biktima ay nakapalaki. Ang harassment na ito ay maaring makasira sa mental health ng biktima. Magtutulak ito sa kanya na mawalan ng tiwala sa sarili, mawalan ng pag-asa, at sa napakalalim na depresyon.

Alam niyo kapanalig, whole society approach ang kailangan sa problema na ito. Kailangan ng polisiya at ngipin ng batas upang mabantayan ang hate speech at online harassment; ang mga moderators ng mga social media groups ay kailangan aktibo sa pagbabantay din sa kanilang hanay. Ang mga social media companies ay dapat mas malinaw at mas mataas ang community standards upang ang ating lipunan ay hindi naman malugmok sa kabi-kabilang online harassment. Ang mga magulang at mga guro ay kailangan maging mas mapagmatyag.

Kapanalig, walang kwenta ang teknolohiya kung niyuyurak nito ang dangal ng tao. Ayon nga sa Mater et Magistra: whatever the progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 15,546 total reads

 15,546 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 114,428 total reads

 114,428 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 158,698 total reads

 158,698 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 181,809 total reads

 181,809 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 256,074 total reads

 256,074 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 15,548 total reads

 15,548 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 114,430 total reads

 114,430 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 158,700 total reads

 158,700 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 181,811 total reads

 181,811 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top