International community, pinakikilos ng Santo Papa para sa pagkakasundo ng mamamayan ng Myanmar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 840 total reads

Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa international community na kumilos para sa pagkakasundo ng mamamayan sa Myanmar.

Ikinalungkot ng Santo Papa ang nagpapatuloy na karahasan sa bansa na labis nakakaapekto sa mamamayan lalo na sa mga inosente at kabataan.

“For a year now, we have been watching the violence in Myanmar with sorrow. I echo the appeal of the Burmese bishops for the international community to work for reconciliation between the parties concerned,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Ang pahayag ng Santo Papa ay kaugnay sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng International Day of Human Brotherhood na inilunsad noong Pebrero 2019 sa kangyang apostolic visit sa Middle East.

Pawang lumagda si Pope Francis at Grand Imam of Al-Azhar, Muhammad Aḥmad al-Tayyib sa ‘Document on Human Brotherhood and for World Peace and Common Coexistence’ na layong isulong ang pagkakapatiran na may ibayong paggalang sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at tradisyong kinagisnan.

“I hope that concrete steps will be taken together with the believers of other religions, and also with people of good will, to affirm that today is a time of brotherhood, avoiding fueling clashes, divisions, and closures. Let us pray and commit ourselves every day so that we can all live in peace, as brothers and sisters,” ani ng Santo Papa.

Matatandaang February 1, 2021 nang ilunsad ng mga sundalo sa Myanmar ang kudeta at isinantabi ang pagkahalal ni Aung San Suu Kyi ng National League for Democracy dahil sa alegasyon ng pandaraya sa halalan

Makalipas ang isang taong kaguluhan sa Myanmar nasa 1, 500 indibidwal na ang nasawi habang mahigit 10-libong katao naman ang inaresto batay na rin sa datos ng Assistance Association for Political Prisoners.m

Kaisa si Pope Francis sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of Myanmar sa pamumuno ni Cardinal Charles Maung Bo na maayos na pagdadayalogo sa magkabilang panig upang matapos na ang karahasan at manumbalik ang kapayapaan at pagkakaisa ng bansa

“Let us ask God in prayer for consolation for this tormented population. To him we entrust our efforts for peace,” giit ni Pope Francis

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 21,614 total reads

 21,614 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 102,182 total reads

 102,182 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 196,409 total reads

 196,409 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 256,897 total reads

 256,897 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 269,671 total reads

 269,671 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,538 total reads

 36,538 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top