Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

Marami ang nagsasabi na blessing sa ating panahon ngayon ang availability ng mga online work, galing man overseas o lokal, sa ating bayan. Dahil kasi dito, marami ang nabuhayan ang loob at nagkakaroon ng pagkakakitaan ng hindi na kailangang umalis pa ng bahay araw-araw. Marami na ang nagtatrabaho ngayon bilang online freelancers. Ayon nga sa Philippine Freelance Market Report 2022, umabot na ng 1.5 million ang nakaregister sa mga international online platforms bilang freelancers.

Malaking tipid kasi ito kapanalig. Hindi mo na kailangan mamasahe at magbaon. Liban pa dito, malaking tipid din sa oras. Alam naman natin na minsan, umaabot tayo ng apat na oras o higit pa sa kalye dahil sa traffic papunta opisina at pauwi ng bahay.

Mas malaki din minsan ang kita ng mga online freelancers natin. Tinatayang mas mataas pa ng 57% ang kita ng mga Filipino freelance workers na may lokal at international clients kumpara sa mga workers na lokal lang ang trabaho.

Malaking ganansya man ito kapanalig, kailangan pa rin natin isipin na kadalasan, walang tenure o kasiguruhan ang mga trabaho na ito. Madalang na maging permanent employee sila sa mga ganitong trabaho, at marami ring pagkakataon, mahirap pa ngang maging full-time worker dito. Part time din kasi ang mga trabaho na ito minsan at maiikling kontrata lamang. Pag matapos na, hanap ka ulit.

Wala ring company benefits sa ganitong trabaho. Kahit pa may kontrata ka, wala kang health benefits, SSS, pati na rin ng mga nakasanayan nating mga 13th month pay. Mainam sana na magkaroon din ng mga ganito, kaya lamang depende sa kontrata ang mga benefits na maaaring makuha ng freelance workers.

Ang freelance work, kapanalig, gaya din ng informal sector, ay walang kita kapag walang gawa. Kaya pag maliit pa ang kita mo sa larangan na ito, every day counts. Kailangan mong pumasok para siguradong may kita ka.

Ang online work kapanalig, ay malaki na rin ang ambag sa bayan. Dahil dito, nababawasan ang mga unemployed sa ating bayan. Ang mga mamamayan din ay nagkaroon ng pagkakataon na magtrabaho habang nag-aalaga ng mga anak, o di kaya may kasabay na negosyo. Pati mga persons with disabilities ay nabibigyan ng oportunidad na makakuha ng online work.

Kaya sana, bago pa man isipin ng pamahalaan na buwisan ang mga freelance online workers, tiyakin muna nila na ang mga karapatan at benepisyo ng mga manggagawa gaya nila ay kinikilala at binibigay. Kung hindi kasi tayo mag-iingat sa larangan na ito, maaaring na e-exploit na pala ang mga kababayan natin, tapos babawasan pa natin ang kita nila. Pangalagaan naman natin sila. Ayon nga sa Rerum Novarum, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan:  it is only by the labor of working men that States grow rich. Justice, therefore, demands that the interests of the working classes should be carefully watched over by the administration, so that they who contribute so largely to the advantage of the community may themselves share in the benefits which they create.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 92,535 total reads

 92,535 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 127,212 total reads

 127,212 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 151,210 total reads

 151,210 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 187,695 total reads

 187,695 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 200,040 total reads

 200,040 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 92,537 total reads

 92,537 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 127,214 total reads

 127,214 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 151,212 total reads

 151,212 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 187,697 total reads

 187,697 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top