Opisyal ng CBCP, nanawagan ng pagtutulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,359 total reads

Hinimok ng opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na magtulungan para sa kinabukasan ng lipunan.

Ito ang pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa nagpapatuloy na paghahanda sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

Ayon sa obispo sa halip na maging abala sa mga materyal na bagay sa mundo dapat tingnan ang kalagayan ng lipunan at ng kapwa.

Naniniwala si Bishop Pabillo na malaki ang magagawa ng mamamayan sa pagpapanibago ng kasalukuyang kalagayan ng pamayanan na magbibigay pag-asa sa kinabukasan.

“Hindi man natin mapipigil ang mga corruption, hindi man natin matutulungan ang lahat ng mahihirap pero matutulungan natin ang isang mahirap. Hindi man natin maituwid ang lahat ng pagsisinungaling, mapipigilan natin ang pagkalat ng ilang sinungaling. Gawin natin ang magagawa natin at ang Diyos na ang aayos para sa lahat,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin ng opisyal na sa paggawa ng kabutihan sa kapwa ay napapaalab ang pag-asang hatid ng Diyos sa sanlibutan.

Batid ni Bishop Pabillo na maraming Pilipino ang naghahangad ng magandang kinabukasan kaya’t maisasakatuparan ito sa pagbubuklod at pagtutulungan.

Ilan sa malalaking suliraning kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan ang mataas na inflation rate na umabot sa walong porsyento dahil sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo bunsod ng pandaigdigang suliraning ekonomiya.

Apela ng simbahan sa mga namumuno sa pamahalaan na unahing tiyakin kapakanan ng mga Pilipino lalo na ang mga maralita na labis naapektuhan sa paghina ng ekonomiya na nagdudulot ng labis na kahirapan at kagutuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 52,330 total reads

 52,330 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 87,006 total reads

 87,006 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 115,341 total reads

 115,341 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 151,826 total reads

 151,826 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 166,830 total reads

 166,830 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top