Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Optional memorial kay St.John Henry Newman, isinama sa General Roman calendar

SHARE THE TRUTH

 2,602 total views

Pormal nang idineklara ng Vatican ang pagdaragdag ng pagdiriwang kay St. John Henry Newman, pari at pantas ng Simbahan, sa General Roman Calendar ng Simbahang Katolika, kasunod ng atas ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV.

Sa inilabas na kalatas ng Dicastery of Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, itinatagubilin ng Santo Papa na ipagdiwang ng buong Simbahan ang Optional Memorial ng santo tuwing October 9.

“The Supreme Pontiff Pope Leo XIV has decreed that Saint John Henry Newman, Priest and Doctor of the Church, be inscribed in the General Roman Calendar, and that his Optional Memorial be celebrated by all on 9 October.”

Binibigyang-diin sa dekretong nilagdaan ni Arthur Cardinal Roche, prefect ng tanggapan na ang pagkilalang ito ay hindi lamang liturhikal kundi pagpapahalaga sa malalim na ambag ni Newman sa pananampalataya at teolohiya ng Simbahan.

Inilarawan si St. John Henry Newman bilang tanglaw sa mga turo ng simbahan dahilan upang siya’y maibilang sa hanay ng mga banal na pantas ng Simbahan.

“Saint John Henry, having been recognized as a radiant light for the Church on pilgrimage through history, may rightly be numbered among the other saintly Doctors inscribed in the General Roman Calendar.”

Kilala si Newman sa kanyang masidhing paghahanap sa katotohanan na ayon sa kalatas ay isang landas na nananatiling huwaran para sa mga Kristiyano sa kasalukuyan.

“His constant search to be led out of shadows and images into the fullness of the truth has become an example for every disciple of the Risen One.”

Binuhay rin ng dokumento ang personal na espirituwal na paninindigan ng santo na sumasalamin sa kanyang pag-unawa sa bokasyon bilang kongkretong pagtugon sa tawag ng Diyos.

Ayon pa sa Vatican, ang bagong memorial ay isusunod sa lahat ng liturgical calendars at aklat ng Misa at Liturgy of the Hours, habang ang mga tekstong liturhikal ay isasalin at ipatutupad ng mga episcopal conference matapos ang kumpirmasyon ng dicastery.

Ang atas ay inilabas noong November 9, 2025, kasabay ng Kapistahan ng Dedication of the Lateran Basilica.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 4,638 total views

 4,638 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 22,987 total views

 22,987 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 41,271 total views

 41,271 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 196,349 total views

 196,349 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 240,796 total views

 240,796 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top