Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,485 total views

Ang Mabuting Balita, 29 Pebrero 2024 – Lucas 16: 19-31

ORAS NG PAGTUTUOS

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling ni Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo’y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama’y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.’ At sinabi ng mayaman, ‘Kung gayun po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako’y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.’ ‘Hindi po sapat ang mga iyon,’ tugon niya, ‘ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.’ Sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

————

Sa talinhagang ito, hindi natin maaaring sabihin, “kahit kailan hindi magiging huli na ang lahat” sapagkat tunay na HULING HULI na. Hindi natin maaaring ipagpaliban ng ipagpaliban ang pagpapakabuti o ang paggawa ng kabutihan sapagkat tulad ng mayaman sa talinhaga, ang ORAS NG PAGTUTUOS ay dumating na. Ang panghihinayang ay dumarating kung kailan wala na tayong magagawa. Kaya, sa halip ng manghinayang, gawin na natin ito NGAYON. Magiging mas makahulugan at mas makabuluhan ang ating buhay at makasisiguro tayo sa ating pupuntahan paglisan natin sa mundong ito.

Panginoong Jesus, tulungan mong gawin namin ang bawat sandali ng aming buhay na mabilang sa iyong makalangit na kaharian!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,050 total views

 18,050 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,132 total views

 51,132 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,483 total views

 79,483 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,213 total views

 147,213 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,958 total views

 168,958 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RECOGNIZE and EXPERIENCE

 4,324 total views

 4,324 total views Gospel Reading for July 20, 2026 – Matthew 12: 38-42 RECOGNIZE and EXPERIENCE Some of the scribes and Pharisees said to Jesus, “Teacher,

Read More »

CHOOSE GOD

 5,467 total views

 5,467 total views Gospel Reading for July 19, 2026 – Matthew 13: 24-30 CHOOSE GOD Jesus proposed another parable to the crowds, saying: “The kingdom of

Read More »

RECOGNIZE

 4,141 total views

 4,141 total views Gospel Reading for July 18, 2026 – Matthew 12: 14-21 RECOGNIZE The Pharisees went out and took counsel against Jesus to put him

Read More »

VERY PRECIOUS GIFT

 4,389 total views

 4,389 total views Gospel Reading for July 17, 2026 – Matthew 12: 1-8 VERY PRECIOUS GIFT Jesus was going through a field of grain on the

Read More »
Scroll to Top