Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ordinasyon ni Bishop Bersabal, isang biyaya sa church evangelization

SHARE THE TRUTH

 18,729 total views

Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31.

Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan sinabi nitong isang biyaya ng pananampalataya lalo na sa mga Pilipino na patuloy ang pagyabong ng misyon makalipas ang 500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Sinabi ni Fr. Gaston na ginagampanan ni Bishop-elect Bersabal ang pagiging katuwang sa ebanghelisasyon ng simbahan nang ipadala ito sa Amerika mula sa Archdiocese of Cagayan De Oro para tulungan ang Diocese of Sacramento.

“It is a big blessing that Filipinos all over the world not only maintain their faith, but also become agents of evangelization. In Sacramento, they are very much incorporated in the local parishes, contributing their Filipino traditions as well,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Bitbit ni Fr. Gaston ang ‘zucchetto’ o ‘skull cap’ galing Roma na ibinigay kay Bishop-elect Bersabal mula kay Fr. Coke Prieto ng Archdiocese of Cagayan De Oro na kasalukuyang nag-aaral sa Roma.

Sinabi ni Bishop Gaston na dadalo sa ordinasyon ang apat na Filipino bishops sa Amerika na sina Salt Lake Bishop Oscar Solis, Los Angeles Auxiliary Bishop Alejandro Aclan, El Paso Auxiliary Bishop Anthony Celino, at Philadelphia Auxiliary Bishop Efren Esmilla.

Inaasahan din ang pagdalo ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at tatlo pang cardinal kasama na si Papal Nuncio to the US Cardinal Cristophe Pierre.

Isasagawa ang episcopal ordination sa Cathedral of the Blessed Sacrament ng Diocese of Sacramento na dadaluhan din ng humigit kumulang 200 mga pari ng diyosesis kung saan 47 rito ay mga Pilipino.

Una nang pinuri ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang pagtalaga ni Pope Francis kay Bishop-elect Bersabal kasabay ng pagtiyak ng mga panalangin sa bagong misyong gagampanan na maging katuwang ni Bishop Jaime Soto sa pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan sa lugar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 66,682 total views

 66,682 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 82,854 total views

 82,854 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 122,565 total views

 122,565 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 182,494 total views

 182,494 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 194,785 total views

 194,785 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 23,409 total views

 23,409 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top