Senado, hinimok ng mga Obispo na patatagin ang pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,108 total reads

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas ang isipan ng mga mambabatas sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino.

Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairperson ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act nitong May 22.

Ayon kay Bishop Bagaforo, dapat maunawaan ng mga lider ng bansa ang kahalagahan ng isang matibay na pamilya tungo sa pagkakamit ng maunlad na lipunan.

“Sana mabuksan ang isipan ng mga pinuno ng ating bansa na importante at mahalaga ang sacredness of a family, the family is the very fiber of every society kapag sinira yun bagsak ang ating bansa,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ayon sa panukala,magsilbing batayan ng diborsyo ang pang-aabusong pisikal; moral pressure na dahilan sa pagpapalit ng relihiyon at political affiliation; tangkang paghimok sa petitioner o sa mga anak sa prostitusyon; pagkalulong sa iba’t ibagn uri ng bisyo, kasarian, at pagkakaroon ng bigamous marriage.

Nanindigan naman si Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairperson ng CBCP Commission on Indigenous Peoples na dapat mabigyang karampatang proteksyon ang mga pamilya laban sa anumang uri ng pagkawasak.

Iginiit ni Bishop Dimoc na mga pamilya ang munting simbahan kaya’t mahalagang magbalangkas ng mga polisiya at isulong ang mga batas na magpapatatag sa pamilya sa halip na sirain ang pundasyon nito.

“We have to let civil lawyers and canon lawyers have more dialogue so that they will find ways how to really promote and protect the family, because family is the basic unit of our society, the family is the domestic church, we have to protect our families and not just allow divorce to creep in and destroy families, so let us craft laws that are protective the welfare of families,” ani Bishop Dimoc sa panayam ng himpilan.

Sa ginanap na pagdinig ng kamara 131 na mga mambabatas ang pabor sa pagkakaroon ng diborsyo habang 109 lamang ang tumutol at 20 ang nag-abstain.

Patuloy ang paninindigan ng simbahan sa kasagraduhan ng sakramento ng pag-iisang dibdib at panawagan ang mahigpit na pagpapatupad sa mga batas na tumutugon sa domestic volence na kinasasangkutan ng mga mag-asawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,593 total reads

 11,593 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,811 total reads

 239,811 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,277 total reads

 133,277 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,306 total reads

 227,306 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,082 total reads

 271,082 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top