Ordinasyon ni Bishop-elect Capucao, pinaghahandaan ng Diocese of Infanta

SHARE THE TRUTH

 3,928 total views

Humiling ng panalangin ang Prelatura ng Infanta kasabay ng paghahanda sa ika – 75 anibersaryo ng pagkakatatag ng prelatura gayundin sa ordinasyon at pagluluklok sa ikalimang obispo.
Itinakda ng prelatura ang pagtanggap kay Bishop-elect Dave Capucao sa September 5, 2025 sa ganap na alas nuwebe ng umaga sa Saint Mark Cathedral and Infant Jesus of Prague Parish sa Infanta, Quezon.

Hiling ng prelatura ang pananalangin sa patuloy na misyon ng simbahan sa pagtanggap ng bagong pastol.

“Let us unite in prayer and thanksgiving as we welcome our new shepherd and honor 75 years of faith, mission, and service in our beloved prelature,” bahagi ng pahayag ng prelatura.
Magsisilbing consecrator kay Bishop elect Capucao si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown habang co-consecrator naman sina Infanta Bishop-Emeritus Bernardino Cortez at Caceres Archbishop-Emeritus Rolando Tria-Tirona, OCD.

Magbibigay naman ng pagninilay sa pagdiriwang si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Si Bishop-elect Capucao ang kauna-unahang Pilipinong itinalaga ni Pope Leo XIV bilang obispo noong May 16 na hahalili kay Bishop Cortez na naabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang noong July 2024.

Ang bishop-elect ay inordinahang pari ng Infanta noong October 3, 1994 at naging pastol sa isang mission area ng prelatura sa loob ng anim na taon.

Taong 2000 nang mag-aral ito sa Catholic University of Nijmegen o Radboud University sa The Netherlands kung saan tinapos ang master’s degree ng intercultural and interreligious theology.
Mula 2002 hanggang 2006 naging junior researcher sa theology department ng unibersidad ang bishop-elect habang tinatapos ang dissertation on religion and ethnocentrism.
Naglingkod din si Bishop-elect Capucao sa Netherlands partikular sa Saint Ludger Parish sa Lichtenvoorde and Winterswijk.

Nagtapos din ang pari ng doctorate in sacred theology sa Catholic University of Louvain sa Belgium at naging formator ng St. Joseph Formation House ng prelatura sa Quezon City nang magbalik Pilipinas noong 2011.

Ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Capucao ang pagiging superintendent of the Catholic Association of Schools in the Prelature of Infanta (CASPI), pangulo ng Center for Empirical Studies on Spirituality, Theology and Religion–Asia (CESSTREL-ASIA), kasapi rin ng Presbyteral Council ng prelatura at iba pang international organizations kabilang na ang The Netherlands School for Advanced Studies in Theology and Religion (NOSTER), at International Society of Empirical Research in Theology (ISERT).

Si Bishop-elect Capucao ang ikalimang obispo ng prelatura na may humigit kumulang 400, 000 katoliko sa Northern part ng Quezon at makatuwang sa pagpapastol sa 19 na parokya ang mahigit 60 mga pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lupain ng kapayapaan

 7,573 total views

 7,573 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 61,149 total views

 61,149 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 78,550 total views

 78,550 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 93,125 total views

 93,125 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 105,979 total views

 105,979 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 491 total views

 491 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 23,098 total views

 23,098 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top