Paalala ng simbahan sa mamamayan, “skip extravagance” ngayong Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,815 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na ituon ang buhay kay Hesus sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Ayon sa obispo ang Christmas season ay hindi panahon para sa maluluhong materyal na bagay kundi ito ang panahong dapat magalak sa pagdating ng manunubos.

“This Christmas, avoid the rush and instead, focus on Christ. Skip the extravagance and instead, find simplicity. The true focus of Christmas should stem from the gratitude for what God had done in your life,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.
Paalala ni Bishop Santos na hindi kailangan ang magarbong pagdiriwang subalit panatilihin ang payak na paggunita sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus tulad ng kanyang pagdating sa mundo na isinilang sa payak na sabsaban.

Sinabi ng obispo na ipadama sa kapwa ang tunay na diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagbabahaginan lalo’t higit sa nangangailangan gayundin ang buong kababaang loob na pag-aalay ng sarili sa Diyos.

“Christmas is more than the act of giving. The true essence of Christmas is to offer, to offer ourselves completely to God. Jesus exemplified selflessness. He humbled Himself to become human and offered His life for our sins,” ani ng obispo.

Ipinadama naman ng Radio Veritas ang diwa ng pasko sa mga kapuspalad.

Nagsagawa ng gift giving activity ang Radio Veritas sa humigit kumulang 300 benepisyaryong naninirahan sa paligid ng himpilan sa Quezon City sa pangunguna ni Fr Anton CT Pascual ang pangulo ng himpilan katuwang ang Caritas Manila.

TIniyak ni Fr. Pascual ang pagpapalawig ng mga programa ng simbahan sa pangunguna ng social arm ng Archdiocese of Manila upang higit na mapaglingkuran ang mga maralita sa pamayanan hindi lamang sa panahon ng pasko kundi maging sa panahong kinakailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 94,497 total views

 94,497 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 122,502 total views

 122,502 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 140,302 total views

 140,302 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 136,663 total views

 136,663 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 242,014 total views

 242,014 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top