MOP, nagpaabot ng pagbati sa uniformed at civilian personnel ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,323 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Military Ordinariate of the Philippines sa lahat ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan para sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, ang pasko ay isang pambihirang pagkakataon upang muling alalahanin ang kaligayahan at kapayapaan na hatid ng pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

Nawa ayon sa Obispo ay masumpungan ng bawat isa lalo’t higit ang mga kawani ng pwersa ng pamahalaan na naglilingkod sa pagtiyak ng kaligtasan at kapayapaan ng bansa ang kapayapaan at kapanatagan na hatid ng pagsilang ng Hesus na siyang tagapag-ligtas ng sanlibutan.

“Every Christmas celebration recalls joy, peace and love for the first Christmas when Jesus was born, the Gospel recounts immense joy, incomparable peace and overflowing love. Sana ngayong pasko maibalik natin at maranasan uli ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat. I greet all of you especially our uniformed men and women in duty with joy, peace and love of Christmas and send you the blessings from God.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio.

Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pagsisilbing pastol at gabay ng Military Ordinariate of the Philippines para sa lahat ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop Florencio, bahagi ng tungkulin ng Military Diocese ang pagbibigay gabay at pag-asa sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na itinataya ang kanilang buhay upang isakatuparan ang kanilang mandato na protektahan ang sambayanan at tiyakin ang kapayapaan ng lipunan.

“With our clergy and chaplains, we continue to build a society that is filled with hope, driven by charity and propel by peace.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 95,327 total views

 95,327 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 123,332 total views

 123,332 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 141,132 total views

 141,132 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 137,466 total views

 137,466 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 242,759 total views

 242,759 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 7,068 total views

 7,068 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top