29,622 total views
Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na ituon ang buhay kay Hesus sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.
Ayon sa obispo ang Christmas season ay hindi panahon para sa maluluhong materyal na bagay kundi ito ang panahong dapat magalak sa pagdating ng manunubos.
“This Christmas, avoid the rush and instead, focus on Christ. Skip the extravagance and instead, find simplicity. The true focus of Christmas should stem from the gratitude for what God had done in your life,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.
Paalala ni Bishop Santos na hindi kailangan ang magarbong pagdiriwang subalit panatilihin ang payak na paggunita sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus tulad ng kanyang pagdating sa mundo na isinilang sa payak na sabsaban.
Sinabi ng obispo na ipadama sa kapwa ang tunay na diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagbabahaginan lalo’t higit sa nangangailangan gayundin ang buong kababaang loob na pag-aalay ng sarili sa Diyos.
“Christmas is more than the act of giving. The true essence of Christmas is to offer, to offer ourselves completely to God. Jesus exemplified selflessness. He humbled Himself to become human and offered His life for our sins,” ani ng obispo.
Ipinadama naman ng Radio Veritas ang diwa ng pasko sa mga kapuspalad.
Nagsagawa ng gift giving activity ang Radio Veritas sa humigit kumulang 300 benepisyaryong naninirahan sa paligid ng himpilan sa Quezon City sa pangunguna ni Fr Anton CT Pascual ang pangulo ng himpilan katuwang ang Caritas Manila.
TIniyak ni Fr. Pascual ang pagpapalawig ng mga programa ng simbahan sa pangunguna ng social arm ng Archdiocese of Manila upang higit na mapaglingkuran ang mga maralita sa pamayanan hindi lamang sa panahon ng pasko kundi maging sa panahong kinakailangan.