Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Build a society of justice and peace, panawagan ng mga opisyal ng CBCP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 29,607 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mamamayan na iwaksi ang pagkakaiba-iba ng pananaw at magbuklod tungo sa mapayapang lipunan.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza nawa’y mangibabaw ang paggalang ng bawat isa sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus at higit palalimin ang pakikipag-ugnayan bilang magkakapatid sa kristiyanong pamayanan.

“Sana nga we can go beyond differences and learn to respect one another, respect our own human dignity and human rights and try to build a society of justice and peace,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Sinabi naman ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na pairalin ang diwa ng pagpapatawad sa pagdating ng Manunubos kasabay ang mga panalanging manatiling matatag.

Batid ng arsobispo ang mga hamong maaring kaharapin ng tao kaya’t mahalagang matutuhang ipagkatiwala sa Diyos ang araw-araw na pamumuhay.

“Let our hearts be filled with hope so that 2024 will truly be a year of God’s blessings to every Filipino. Have faith. Have Courage. Be strong as we struggle to face and move on 2024,” giit ni Archbishop Jumoad.

Paalala naman ni Dumaguete Bishop Julito Cortes na si Hesus ay nagkatawang tao upang maging liwanag sa buhay ng tao na pinadidilim ng mga pagsubok at suliranin.

“He shall be, for us, our light during moments of darkness, our stronghold during moments of temptation, our way in the many paths we shall walk in our lives,” ani Bishop Cortes.

Kinilala rin ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang katatagan ng mga Pilipino na sa kabila ng pagiging mahirap na batay sa survey ng Pulse Asia ay apat lamang sa sampung Pilipino ang naniniwalang masagana ang pasko.

“Nanatiling mahirap ang karamihan sa mga Filipinos pero nanatiling umaasa sapagkat pinanghahawakan ang tunay na kayamanan- ang matibay na pananampalataya sa Diyos. Panatilihin natin na si Kristo na pasilangin sa ating puso. Bigyan siya ng kalayaan na kumilos sa ating buhay. Ang batang Jesus ating Panginoon- ang ating tunay na yaman ng buhay,” saad ni Bishop Varquez.

Tinuran ng obispo na sa unang pasko ng pagsilang ni Hesus dalawang libong taon ang nakalilipas ay hindi masagana subalit napuspos ng kapayapaan at kagalakan ang bawat isa dahil sa liwanag at pag-asang dala ni Hesus na nagkatawang tao para makipamuhay sa sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,514 total views

 73,514 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,509 total views

 105,509 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,301 total views

 150,301 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,248 total views

 173,248 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,646 total views

 188,646 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 741 total views

 741 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,799 total views

 11,799 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top