Paalala sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total views

May paalala ang grupo ng mga Psychologist sa mga indibidwal na nakakaranas ng depression o labis na pagkalungkot matapos mawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya.

Ayon kay Ms. Tosca Bernardino ng ChildFam Possibilities, nakakabahala ang pinagdadaanan ng mga nakakaranas ng kalungkutan dahil sa biglaang pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay lalo na’t patuloy ang banta ng Covid19.

Gayunman, sinabi ni Ms. Bernardino na may mga paraan o hakbang upang unti-unting makabangon mula sa pagkalumbay o matinding depresyon ang mga apektado ng pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Nakakatulong na ma-verbalize ito at mahalaga na meron tayong outlet o paraan para makapaglabas ng emosyon, maari natin gawin ang ating hobbies… normal naman na makaramdam ng lungkot sa ganitong pangyayari pero ang mahalaga at ang critical ay kung paano natin tutulungan ang sarili na mag-recover at mag-move forward bigyan natin ng oras ang sarili natin na maging okay kung hindi man pa talaga irespeto mo din ang pacing mo paunti-unti para maging maayos ang pakiramdam mo.”payo ni Bernardino.

Sinabi ni Bernardino na ‘Acceptance’ o pagtanggap sa pangyayari ang magiging panungahing susi upang gumaan ng pa-unti unti ang emosyon ng isang nawalan ng mahal sa buhay.

“Mahirap kung sinasarili natin, kumbaga yun extra-baggage na sinasabi ng iba. Kaya yun pagtanggap nito ay isang malaking hakbang para maka recover at mag-move on”pahayag ni Bernardino.

Pinaalalahan din ni Bernardino ang mga nais naman na magpahayag ng suporta o pakikidalamhati na iwasan ang paggamit ng mga salita o payo na maaring maka-apekto sa emosyon ng isang nagluluksa.

Batay sa datos ng Department of Health, umabot na sa 18, 472 ang bilang ng mga namamatay dahil sa Covid19 o katumbas ng 1.68 percent ng kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Pilipinas.

Sa buong mundo ay tinatayang nasa mahigit 3.3 Million na indibidwal naman ang namatay dahil sa pandemya kung saan pinakamarami pa rin dito ay mula sa Estados Unidos, Brazil at India.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 102,472 total views

 102,472 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 132,696 total views

 132,696 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 159,344 total views

 159,344 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 254,317 total views

 254,317 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 268,689 total views

 268,689 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,659 total views

 89,659 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top