Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pabakunahan ang mga anak laban sa nakakahawang sakit, panawagan ng CBCP sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

 16,799 total views

Muling hinikayat ng health ministry ng simbahan ang mamamayan, lalo na ang mga magulang, na pabakunahan ang anak laban sa vaccine preventable diseases.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare executive secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, mahalagang mapabakunahan ang mga bata laban sa mga nakahahawang sakit upang magkaroon ng karagdagang proteksyon at makatulong na mapalakas ang immune system.

Kabilang sa mga vaccine preventable diseases ang measles o tigdas, hepatitis, human papilloma virus (HPV), influenza, pneumonia, polio, rotavirus, bulutong-tubig, tetanus, diphtheria, at pertussis.

“Ito ay tawag para sa pagpapahalaga ng buhay ko at buhay din ng ibang tao. Pagpapahalaga rin ng buhay ng mga bata at kapag napahalagahan mo ‘yun, napahalagahan mo ‘yung kinabukasan ng bansa,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Cancino na ang pagsisikap na mapangalagaan ang kapwa mula sa mga nakahahawang karamdaman ay isang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig.

Iginiit ng pari na makakatulong ang pagtatanong, pagsusuri, at pakikinig sa mga dalubhasa tungkol sa mga bakuna nang sa gayon ay magkaroon ng sapat na kaalaman na makakatulong sa pangangalaga ng kalusugan.

Nitong Abril, kasabay ng pagdiriwang sa World Immunization Week ay ipinagdiwang ang ika-50 taon mula nang ilunsad ang Expanded Program on Immunization na layong tiyakin ang pantay na access sa mga bakunang makapagliligtas ng buhay lalo na sa mga bata, anuman ang kinaroonan at katayuan sa buhay.

“Inaanyayahan ko ang bawat magulang, ang ating mga kapanalig na pumunta sa health center. Magtanong, mag-avail ng bakuna, base sa inyong konsensya, base sa impormasyong ibinigay sa inyo, at protektahan ang mga kabataan, protektahan din natin ang kinabukasan at ang ating bansa,” saad ni Fr. Cancino.

Patuloy naman ang panawagan ng Department of Health sa mamamayan na tangkilikin ang libreng pagpapabakuna ng pamahalaan upang mapigilan ang mapanganib at nakamamatay na epekto ng mga nakahahawang karamdaman.

Batay sa 2022 World Health Organization (WHO) and UNICEF Estimates of National Immunization Coverage (WUENIC), mayroong 637-libong bata sa Pilipinas na hindi pa nababakunahan, na maaaring maghantong sa mas mataas na panganib na magkasakit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,532 total views

 34,532 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,662 total views

 45,662 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,023 total views

 71,023 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,407 total views

 81,407 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,258 total views

 102,258 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,029 total views

 6,029 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top