Nabagsakan ng century old acacia tree sa Taytay, tutulungan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,001 total reads

Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang tulong sa may-ari ng mga sasakyang napinsala nang mabuwal ang malaking punong acacia sa harapan ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay Rizal.
Ayon sa obispo hindi maiiwasan ang mga insidente lalo na tuwing may bagyo kaya’t humingi rin ito ng paumanhin sa mga apektadong indibidwal.
“Yet it is with collective sigh of relief that no lives suffered nor lost. We are so sorry for the owners. We assured them of help and assistance. No one wants a tragic event. Accidents happen in any place, at any time,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Gayunpaman ipinagkatiwala ng obispo sa Panginoon ang lahat ng mga pangyayari lalo’t naghahanda rin ang simbahan sa mga mahalagang gawain tulad ng kapistahan ni San Juan Bautista sa June 24, ang patatalaga kay Fr. Pedrito Noel Rabonza III bilang kauna-unahang rector; at ang solem declaration ng parokya bilang minor basilica sa July 9.
Nitong May 26 nang mabuwal ang century-old acacia tree sa pananalasa ng bagyong Aghon habang nagsagawa ng banal na misa sa loob ng simbahan.
Walang nasaktan sa insidente subalit dalawang sasakyan ang lubhang napinsala.
“It is sad that the historic acacia, a silent witness to the foundation of the town of Taytay and where the parish church of Saint John the Baptist stands, will now only remain in the recollection of our past,” ani ng obispo.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pitong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyo, 36, 000 ang lumikas habang naitala ng Department of Agriculture ang 22 milyong pinsala sa mga pananim.
Ang bagyong Aghon ang kauna-unahang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon kasabay ng pananalasa ng El Niño phenomenon na nagdulot din ng pinsala sa sektro ng agrikultura.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,519 total reads

 11,519 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,877 total reads

 194,877 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,609 total reads

 226,609 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,432 total reads

 328,432 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,989 total reads

 368,989 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,669 total reads

 381,669 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top