Pabasa ng Pasyon, nasa digital platform na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,694 total reads

Inilunsad ng Hallow ang makasaysayang tradisyon ng mga Pilipino na Pabasa ng Pasyon sa digital platform bilang bahagi ng kampanyang Pray40: The Return.

Sa loob ng maraming siglo bahagi na ng kaugalian ng mga Pilipino tuwing Kuwaresma ang sama-samang pag-awit ng Pasyon sa mga tahanan at kapilya.

Ngayong taon, lingguhan itong itatampok sa digital format sa pangunguna ng Vox Animae Choir, kalakip ang pagbasa ng Banal na Kasulatan, gabay na panalangin, at pagninilay na pangungunahan ni Fr. Franz Dizon.

Ayon kay Fr. Dizon ng Diocese of Malolos na isa sa mga paring nagninilay sa Hallow, mahalagang mapanatili ang diwa ng tradisyon habang inaabot ang mas maraming mananampalataya sa makabagong paraan.

“Para sa ating mga Pilipino, hindi kumpleto ang Kuwaresma kung wala ang Pabasa. Isang biyaya na ngayon ay mas nagiging accessible ito sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay sa digital space, nang hindi nawawala ang lalim ng ating tradisyon,” ayon kay Fr. Dizon.

Layunin ng digital Pabasa na mapanatili ang banal at taimtim na pag-awit ng Pasyon habang ginagawa itong mas madaling maabot ng mga Pilipino saan man naroroon, sa tahanan, sa trabaho, o maging sa biyahe na ginagawang kasangkapan ng debosyon ang mga mobile device.

Bahagi ang inisyatibang ito ng Pray40: The Return, isang pandaigdigang paglalakbay panalangin ngayong Kuwaresma sa Hallow app na may mahigit 30 milyong users sa buong mundo, kabilang ang higit sa dalawang milyon sa Pilipinas.

Tampok din sa mas malawak na programa ang ilang kilalang personalidad tulad nina Fr. Fiel Pareja, Jonathan Roumie, Mark Wahlberg, at Chris Pratt.

Binibigyang-diin ng lingguhang digital Pabasa ang natatanging pamana ng debosyong Pilipino.

Ayon naman kay Bernz Caasi, Philippines Team Lead ng Hallow at isang Catholic revert, mahalaga ang paggamit ng teknolohiya upang maipasa ang pananampalataya sa susunod na henerasyon.

“As a millennial who lives and works closely with Gen Z friends, I believe that creating this digital experience of the Pabasa is key to unpacking the richness of this tradition for a new generation while preserving our precious culture as Filipinos,” ani Caasi.

Sa pagsasama ng sagradong musika, teolohikal na pagninilay, at meditations, inaasahang magsisilbing tulay ang digital Pabasa sa pagitan ng tradisyon at teknolohiya upang patuloy na manatiling buhay at makabuluhan sa puso ng kabataang Pilipino ang isa sa pinakamamahal na debosyon tuwing panahon ng Kuwaresma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,392 total reads

 125,392 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,122 total reads

 157,122 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 258,949 total reads

 258,949 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,506 total reads

 299,506 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 314,797 total reads

 314,797 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top