Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-aalay ng pagkain sa mga patay, ‘Trick or Treat’ hindi nararapat

SHARE THE TRUTH

 43,650 total views

Pakainin ang mga buhay at hindi ang mga patay!

Ito ang tradisyon at pamahiin ng mga kristiyano na dapat nang iwaksi ayon kay Fr. Bobby Dela Cruz ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism sa programang Dalangin at Alaala ng Radyo Veritas.

Paliwanag ng pari, mas higit na kinakailangan ng mga kaluluwa sa purgatoryo ay ang panalangin para sa kapayapaan ng kanilang kaluluwa at paglalakbay tungo sa kaluwalhatian.

Ayon kay Fr. Dela Cruz-kura paroko ng Santa Monica Parish sa Tondo bukod sa pagsasayang ng pagkain ay nakadaragdag din ito sa mga basura lalo na sa mga sementeryo.

“Pero ang patay, ang kaluluwa ay hindi nya na kailangan ng pagkain…Sila ay mga Espiritu na lamang, ganito ang mangyayari sa atin, masasayang lang ang mga pagkain, lalangawin lang doon. Huwag ninyo ng hainan ang yung mga yumao natin na bigyan pa natin sila ng pagkain sa kanilang paglalakbay. Hindi na sila magugutom. Pakainin nyo na lamang ‘yung mga buhay at huwag kayo mag-alala na magdala sila ng pagkain pag-uwi, dahil masasayang lang kung itatapon. Kaya tuloy minsan dumarami ang mga basura sa sementeryo dahil iniiwan lahat natin doon,” paliwanag ng pari.

Sa halip, iminumungkahi ng pari na ipamahagi ang mga pagkain sa mga nangangailangan sa halip na masayang at maging basura.

Dagdag pa ng pari na ang ganitong pamahiin ay paniniwalang pagano at hindi pananampalatayang kristiyano lalo na ang pagdiriwang suot ang mga nakakatakot na imahe.

“Sasamantalahin natin ang pagkakataon na ito na turuan natin ang ating mananampalataya kung saan itong Halloween na ito ay nahaluan ng mga paganong mga nakasanayan natin, puwede natin itong palitan sa halip na mga multo, mga kababalaghan itong ipinapakita natin. Minsan nagagamit pa natin ang bata na ito to promote evil during that day,” ayon kay Fr. Dela Cruz.

Hindi rin iminungkahi ng simbahan ang pagdiriwang ng All Saints at All Souls Day sa pamamagitan ng pagdadamit ng mga nakakatakot lalo na ng mga bata o ang ginagawang ‘Trick of Treat.”

“Mas mabuting parangalan natin ang mga Santo sa pamamagitan ng ‘March of Saints’ or instead na ‘Trick or Treat’ gamitin nating pagkakataon ang mga kabataan na magpunta sa mga tahanan na nakadamit ng mga santo at ipanalangin yung mga mahal nila sa buhay. Tapos pwede sila magbigay ng regalo dun sa mga bata. Masaya nila itong gagawin at the same time matuturuan sila,” dagdag pa ng pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 13,748 total views

 13,748 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 88,049 total views

 88,049 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,805 total views

 143,805 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 104,726 total views

 104,726 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,836 total views

 105,836 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,712 total views

 8,712 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 3,461 total views

 3,461 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 18,614 total views

 18,614 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567