Batas na magpapaliban sa BSKE, lalagdaan ng pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,756 total views

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalagdaan niya ang panukalang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

Ayon sa Pangulo, kailangang ituon muna ng pamahalaan at ng Commission on Elections ang kanilang atensyon sa kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

“No, I’ll sign it. Ill sign it. Because we are facing one of the biggest elements here—we just finished a major election, the midterm election, next will be BARMM. Now we’re adding the barangay elections as well. It’s too much—actually, it’s the Comelec saying, “We can’t handle it,” pahayag ni Pangulong Marcos sa press conference sa Philippine media delegation sa India nitong Agosto 8.

Ang BARMM election ay nakatakdang ganapin sa Oktubre at ang kauna-uhang parliamentary election sa rehiyon na direktang ihahalal ng mga mamamayan.

Sa halip na hayaan itong mag-lapse into law sa Agosto 14, personal na lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas bilang pagsuporta sa rekomendasyon ng Comelec na hindi kayaning pagsabayin ang paghahanda para sa midterm elections, BARMM elections, at BSKE.

Matatandaan na noong Hunyo, niratipikahan ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report na nagpapalawig sa termino ng mga barangay at SK officials mula tatlong taon tungo sa apat na taon.

Nakasaad din sa panukala na ang halalan, na orihinal na itinakda sa Disyembre 1, 2025, ay ililipat sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 23,921 total views

 23,921 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 74,605 total views

 74,605 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 80,734 total views

 80,734 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 110,078 total views

 110,078 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 127,492 total views

 127,492 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top