Pag-asa ang tunay na diwa ng Pasko

SHARE THE TRUTH

 685 total views

Ang tunay na diwa ng Pasko ay pag-asa na hatid ng Panginoong Hesus para sa sangkatauhan.

Ito ang paalala ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa pagdiriwang ng Pasko sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 at kalamidad na nanalasa sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Obispo, sa kabila ng mga suliranin at hamong pinagdaanan ng lahat ngayong taon ay nararapat pa ding magalak at matuwa ang lahat dahil sa pagsilang ng Mesiyas.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, makakaahon at muling makakabangon ang bawat isa sa tulong na rin ng matatag na pananalig at patuloy na pagkapit sa kaloob ng Panginoon.

“Magalak at matuwa tayo sapagkat ang diwa ng pasko ay pag-asa, ang bagong pag-asa na bigay ng ating Panginoong Hesus at ating Mesiyas. Huwag po tayong mawalan ng pag-asa, kaya nating magbagong buhay, magbalik loob po tayo sa Diyos. Kapag tayo ay nagsisikap at laging nakahawak sa kamay ng Diyos tayo ay magtatagumpay sa tulong at awa ng Diyos at sa ngalan ni Hesus makakaahon tayo…”pagninilay ni Bishop Bagaforo.

Partikular na binalikan ng Obispo ang lindol na yumanig sa bansa noong Oktubre at Disyembre ng taong 2019 ay hindi lamang sumira sa maraming bahay at ari-arian kundi yumanig din sa kalooban at kabuhayan ng mamamayan, gayundin ang krisis na idinulot ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ng Obispo na dapat tandaan ng lahat na tulad ng isang tunay na Ama ay hindi kailanman pababayaan ng Panginoon ang kanyang mga anak na nagsusumamo at umaapela ng tulong sa gitna ng mga pagsubok at unos sa buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 10,085 total views

 10,085 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,729 total views

 24,729 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 39,031 total views

 39,031 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,791 total views

 55,791 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 102,089 total views

 102,089 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top