381 total views
Ipinagdarasal ni Tandag Bishop Raul Dael na nawa sa unang pagkakataon ay ipagdiwang ng sanlibutan ang pasko na nakatuon lamang kay Hesus na tunay na manunubos.
Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon sa kabila ng umiiral na krisis dulot ng pandemya.
Ayon kay Bishop Dael, nabago ng pandemyang nararanasan ngayon ng mundo ang tradisyong nakagawian ng mga tao tuwing ipagdiriwang ang pasko ng pagdating ng panginoong Hesus.
“Stripped of all the customary practices attached to Christmas because of the pandemic, may be for the first time, the world will celebrate Christmas focused on Jesus and Jesus alone,” pahayag ni Bishop Dael sa Radio Veritas.
Sinabi rin ng Obispo na ang Pasko ay hindi tungkol sa pagpapalitan ng mga regalo kungdi pagtanggap sa tunay na tagapaghatid ng kapayapaan, si Hesus na siyang nag-iisang tagapagligtas ng sanlibutan.
“Christmas is not primarily about exchanging gifts but receiving the giver, Jesus, the only savior of the world,” ayon sa Obispo.
Patuloy namang hinihimok ng simbahan ang mananampalataya na ipagkatiwala sa Diyos ang anumang pagsubok na kinakaharap at buong pusong tanggapin si Hesus na isinilang para sa kaligtasan ng sanlibutan.