Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-asa, tangan ng taong 2023

SHARE THE TRUTH

 1,820 total views

Tangan ng Bagong Taon ang bagong pagasa para sa bawat mamamamayan.

Ito ang mensahe nila Daet Bishop Rex Andrew Alarcon at Cubao Bishop Honesto Ongtioco para sa Bagong taon at Dakilang Kapistahan ni Maria na Ina ng Diyos sa na ginugunita ng simbahang tuwing January 01.

Ayon kay Bishop Alarcon, nawa ay mapukaw ng pagsilang ng Panginoong Hesus Kristo sa naging paggunita ng pasko ang bawat isa upang simulan ang mabuting pagbabago sa buhay at upang makabangon o mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay.

“Yung ating Celebration ng the Motherhood of Mary is an example of how an individual can lead by her sincerity, yung kaniyang pagbibigay ng sarili can make a difference through the life of all,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Alarcon.

Ayon naman kay Bishop Ongtioco, nawa ay higit pang kilalanin ng buong mundo ang pagibig ng Diyos para sa sanlibutan at ituring ng bawat isa ang bagong taon bilang biyaya na ipinaparating ang mabuting balita ng Panginoon na patuloy ang pakikiisa ng Diyos sa kaniyang sangnilikha.

Ito ay dahil sa naging pag-aalay ng Panginoon sa kaniyang bugtong na anak na si Hesus.

“So in other words ang message sa ating bagong taon it’s a message of hope, it’s a message of promise that the lord will always journey with us, hindi tayo iiwanan ng Diyos, kapiling natin ang Diyos, kailanman hindi tayo nag-iisa, kaya kung kapiling natin siya ay mahaharap natin kahit ano pa mang krisis, gutom, kahirapan hindi natin haharapin nag-iisa, kasama natin ang Diyos,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.

Kaugnay sa bagong pagasa ng bagong taon, una naring ipinarating ng ibat-ibang grupo ang pagasa ng pagbabago sa bansa upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap, manggagawa at iba pang sektor sa lipunan.

Tangan ng mga labor groups ang pagasang maitaas na sa 2023 ang suweldong natatanggap ng mga manggawa, habang hangarin naman ng mga agricultural groups ang pinaigting na pagtulong ng pamahalaan sa mga lokal na manggagawa sa agrikultura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,376 total views

 11,376 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,476 total views

 19,476 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,443 total views

 37,443 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,749 total views

 66,749 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,326 total views

 87,326 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 272 total views

 272 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 6,807 total views

 6,807 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top