PAG-IBIG fund, nakapagtala ng 63-bilyong pisong savings

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,069 total reads

Ikinagalak ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na tiwala at suporta ng mga miyembro sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga programang inilunsad.

Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Eduardo del Rosario matapos maitala ang 63-bilyong pisong savings ng mga kasapi.

Paliwanag ng opisyal patunay na ito na nanatiling matatag ang ahensya sa kabila ng matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya at kabuhayan ng mga miyembro.

“This shows their significant trust that Pag-IBIG Fund shall manage their savings prudently. And, with more funds, Pag-IBIG is in a better position to finance its programs to help more members in the coming months, as we continue to contribute to the recovery of the whole nation,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Ayon sa Pag-IBIG Fund ito na ang pinakamataas na naitalang savings sa kasaysayan kung saan umaabot sa 32 porsyento ang pagtaas kumpara sa 48.18 bilyong pisong koleksyon noong 2020.

Sa hiwalay na pahayag ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti ibinahagi nitong nakatulong din ang Modified Pag-IBIG 2 or MP2 voluntary savings program ng ahensya sa paglago ng total collections lalo’t marami sa mga miyembro ang naglagak ng kanilang ipon sa programa.

Tumaas ng halos 100 porsyento ang nakolekta mula sa MP2 mula sa P13.29-billion noong 2020 umaabot na ito sa P25.95-billion nitong 2021.

Pinasalamatan ni Moti ang Pag-IBIG Fund members sa pakikiisa sa MP program at malugod na ipinabatid na sa lalong madaling panahon ay ianunsyo ng ahensya ang pamamahagi ng divedendo mula sa regular savings at MP@ programs.

“We will make the announcement within the quarter, following the approval from our Board. With our strong performance and robust fiscal standing, I am optimistic that our dividends will still be higher than most instruments available in the market,” ani Moti.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 5,380 total reads

 5,380 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,495 total reads

 5,495 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 19,328 total reads

 19,328 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 141,984 total reads

 141,984 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 192,348 total reads

 192,348 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 319,406 total reads

 319,406 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 404,011 total reads

 404,011 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top