PAG-IBIG, nagpapasalamat sa pagkilalang most trusted government run corporation

SHARE THE TRUTH

 551 total views

Nagpasalamat ang Pag-IBIG Fund sa pagkilalang most-trusted government-run corporation.

Ito ay batay sa 2021 Philippine Trust Index (PTI) national survey na isinagawa ng EON Group.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Eduardo Del Rosario, patunay lamang ito na ginagampanan ng institusyon ang tungkuling paglingkuran ang milyung-milyong kasapi alinsunod sa hangarin ng pamahalaan na malinis at matapat na paglilingkod sa mamamayan.

“We are truly honored to be included in the list of most trusted government agencies. The latest results of the Philippine Trust Index and our 9th straight unmodified opinion from COA show that we have fulfilled our duties during the pandemic while still maintaining the highest standards of transparency and integrity in our work,” ayon kay Del Rosario.

Binigyang diin pa sa 2021 PTI na ang mga ahensya ng gobyernong nakakuha ng mataas na puntos sa survey ay ang mga nangungunang tanggapan na may direktang pakikipag-ugnayan sa publiko sa larangan ng paglilingkod.

Matatandaang sa pag-iral ng COVID-19 pandemic pinaigting ng Pag-IBIG Fund ang mga programang mapakikinabangan ng mga miyembro at makatulong na harapin ang hamon ng pandemya lalo na sa mga nawalan ng kabuhayan.

Bukod sa mga short term loans tumaas din ang housing loans ng institusyon sa gitna ng pandemya patunay na patuloy ang tiwala at pagtangkilik ng mga miyembro sa programa nito.
Nanguna ang Department of Education sa nakakuha ng pinakamataas na trust rating sa 91-percent na sinundan ng Pag-IBIG Fund sa 89-percent.

Labis din ang pasasalamat ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti sa mamamayan sa tiwalang ipinagkaloob sa institusyon.

Tiniyak din ng opisyal ang pagpapalago sa mga programa ng institusyon lalo na sa digital assets upang patuloy na makipag-ugnayan ang mga kasapi sa kabila ng banta ng krisis pangkalusugan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,583 total views

 21,583 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,996 total views

 38,996 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,640 total views

 53,640 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,482 total views

 67,482 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,559 total views

 80,559 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

Sa digmaan, lahat ay talunan

 1,502 total views

 1,502 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top