Hindi pa bakunado laban sa COVID 19, hinikayat ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total reads

Hinihikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga hindi pa bakunado na makiisa sa vaccination program ng pamahalaan.

Sa video message ni CBCP-Social Communications Ministry Chairman at Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, bagamat nagpositibo sa COVID-19 ay hinihikayat nito ang publiko na makibahagi sa Bayanihan Bakunahan – National Vaccination Days.

“Kapag kayo po ay nakiisa sa vaccination program, hindi lamang po ninyo tinutulungan ang sarili ninyo, tinutulungan po ninyo ang lipunan natin. At dahil dito, tayo po’y nakikiisa din sa mga biyayang bigay sa atin ng Diyos,” ayon kay Bishop Maralit.

Si Bishop Maralit ay kasalukuyang nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19 at patuloy na nagpapagaling sa ospital sa Lucena, Quezon.

Giit ng opisyal ng CBCP na malaking tulong ang pagpapabakuna dahil nababawasan ang posibilidad ng malalang epekto ng virus sa katawan.

“Sa palagay ko po kung hindi ako na-vaccine or na-vaccinate ay baka hindi lang ho [ito] ang dinaanan ko,” saad ng obispo.

Samantala, nagpapasalamat naman ang obispo sa mga medical frontliners na patuloy na nagbibigay ng lunas para sa kanyang agarang paggaling.

“Malaking pasasalamat ko po sa lahat ng mga doktor, mga frontline workers natin, mga health workers na kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko alam kung anong klaseng COVID ang aking kinaharap,” ayon kay Bishop Maralit.

Batay sa huling tala, nasa 2.5 milyong Pilipino na ang kasalukuyang bilang ng mga nabakunahan sa isinasagawang vaccination days.

Nilalayon ng pamahalaan na mabukanahan ang nasa 9 na milyong Pilipino sa three-day vaccination drive na nagsimula noong November 29 at magtatagal hanggang December 1, 2021.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,077 total reads

 11,077 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 193,925 total reads

 193,925 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 225,657 total reads

 225,657 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 327,480 total reads

 327,480 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,037 total reads

 368,037 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 380,755 total reads

 380,755 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 141,945 total reads

 141,945 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top