Pagbabahagi ng habag at awa, palalawakin ng WACOM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,373 total reads

Tiniyak ni World Apostolic Congress of Mercy o WACOM-Asia Secretary General Fr. Prospero Tenorio ang pagpapalawak ng misyon ng simbahan lalo na sa pagbabahagi ng habag at awa ng Panginoon.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Fr. Tenorio na bilang itinalagang missionaries of mercy ng simbahan sa bansa ay gagampanan nito ang kaakibat na misyong ipadama ang walang hanggang awa ng Diyos sa sangkatauhan.

“Bilang bahagi ng missionaries of mercy sisikapin naming tunay na maipadama ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal.” pahayag ni Fr. Tenorio.

Sa kapistahan ng Divine Mercy kaisa ang pari sa paggawad ng sakramento ng pagbabalik loob at ng Banal na Eukaristiya sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Marilao Bulacan kung saan tampok ang pagpapakumpisal ng dambana mula alas singko ng umaga hanggang alas otso ng gabi.

Tinuran ng missionary of mercy priest na upang maging ganap ang paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ay mahalagang aminin ng tao ang pagiging mahina na lantad sa pagkakasala at ang tauspusong pagsisisi sa mga pagkukulang sa Diyos at sa kapwa.

Iginiit ni Fr. Tenorio na sa pamamagitan ng kumpisal ay matulungan ang taong makapagbalik loob sa landas ni Hesus na muling nabuhay.

“Sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal tayo ay matutulungang makapagbalik loob sa Diyos ang mga nasirang ugnayan sa Diyos ay mapapanauli sa pamamagitan ng pananalangin, pagkakawanggawa at pag ayuno tunay nating maisaayos ito at tayo’y pagharian ng biyaya ng kanyang kapayapaan.” ani Fr. Tenorio.

Ayon naman kay National Shrine Social Communication at Fiesta 2023 Committee Head Ted Resurrecion at Commission on Evangelization Head Sara Jean Moya nagsagawa ng iba’t ibang programa ang dambana upang maibahagi ang diwa ng muling pagkabuhay ni Hesus na bukal ng habag at awa.

Ilan dito ang pagdalaw sa mga bilangguan kung saan nagdiwang ng Banal na Misa, nagpakain sa persons deprived of liberty at namahagi ng mga bibliya na maging gabay sa pagbabalik loob at tunay na pagsisisi sa mga kasalanan.

Bukod pa rito ang paggawad sa sakramento ng binyag sa 40 kabataan at kumpil sa 30 indibidwal.

Kapwa inaanyayahan ni Resurrecion at Moya ang mananampalataya na dumalaw sa pambansang dambana anumang oras at tanggapin ang pagpapala ng walang hanggang awa ng Panginoon.

Tuwing ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay ipinagdiriwang ng simbahang katolika ang Divine Mercy Sunday.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,630 total reads

 22,630 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,176 total reads

 43,176 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 117,031 total reads

 117,031 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 202,401 total reads

 202,401 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 249,136 total reads

 249,136 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 297,007 total reads

 297,007 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 394,976 total reads

 394,976 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top