Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbaha ng putik, Pinangangambahan ng mga Residente ng Zambales

SHARE THE TRUTH

 499 total views

Labis na nababahala ang mamamayan ng Sta. Cruz Zambales sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Benito Molino, Chairman ng Anti-mining group na Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales o CCOS, nangangamba ang mamamayan na maulit ang trahedyang naganap sa kanilang Lalawigan noong 2015 kung saan bumaha ng putik sa halos buong bayan matapos itong tangayin ng malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Lando.

“Masmalaki ang pangamba ngayon dahil ito nga, aktibo yung byahe, at dahil sa ganitong klaseng aktibo yung kanilang pagmimina ngayon, paghahakot ng kanilang mga stock piles ay posibleng kapag dumating ang malakas na ulan ay baka hindi lang maulit yung nangyari noong 2015 baka masmalala pa dahil nga nakita naman natin sobrang lawak na ang nasirang kabundukan.” Pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, nanawagan si Molino sa mga bagong halal na Opisyal ng mga Barangay na kumilos sa pagprotekta sa kalikasan.

Giit niya, hawak ng mga lokal na opisyal ang magiging kinabukasan ng bawat Barangay sa kanilang lugar, dahil nasa kanilang kamay ang pagpapasya kung pahihintulutan ng mga ito na magkaroon ng mga Pagmimina sa kanilang Komunidad.

Iminungkahi ni Molino sa mga bagong lokal na opisyal na magtalaga ng kautusan o resolusyon na magbabawal sa pagmimina sa kani-kanilang mga Barangay.

“Panawagan natin sa kanila dahil ganun na kagrabe ang sitwasyon ng pagmimina at pagkasira ng kapaligiran, aba’y kumilos na sana sila, gawin nila ang kanilang tungkulin bilang mga Opisyales ng Gobyerno, na pangalagaan ang kagalingan ng kanilang mamamayan, kagalingan ng kapaligiran, kabuhayan,at ito’y magagawa nila sa paggawa nila ng mga resolusyon o deklarasyon na ihinto na ang pagmimina sa kanilang Barangay.” Dagdag pa ni Molino.

Ayon sa ulat ng CCOS, mayroong 9 na mining sites sa kanilang lalawigan, anim dito ang nagmimina ng Nickel habang 3 naman ang nagmimina ng Chromite.

Matatandaang kinondena rin ng Kanyang kabanalan Francisco ang hindi makatarungang gawain ng mga minahan dahil nag iiwan lamang ito ng malaking pasanin sa mga tao at sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 49,227 total views

 49,227 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 71,003 total views

 71,003 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 94,904 total views

 94,904 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 202,444 total views

 202,444 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 226,127 total views

 226,127 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

EDSA recall youth summit, ilulunsad ng CEAP

 36,498 total views

 36,498 total views Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mga Pilipino, higit na ang kabataan na makiisa sa idadaos na dalawang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 260,159 total views

 260,159 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 204,005 total views

 204,005 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top