Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbangon, katatagan, pagdadamayan ng mga biktima ng lindol, ipinagdarasal ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

 630 total views

Ito ang panalangin ng mga lider ng Simbahan sa trahedyang dinaranas ng mga taga-Surigao matapos tumama ang 6.7 magnitude na lindol at patuloy na nararanasang aftershocks sa lalawigan.

Ipinagdarasal ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na manahan sa lahat ang kapayapaan, pagtutulungan at katatagan ng loob ng mga naapektuhan ng lindol.

“Makapangyarihang Diyos, aming butihin Ama. Kami po ay lumalapit at nanalangin, gawin po ninyong mapayapa na ang aming kalikasan. Patigilin na po ninyo ang pagyanig ng lupa. Manahan na sa amin ang kapayapaan at kaayusan. Mangyari nawa sa amin ang kapatagan ng kalooban at pagdadamayan.

Sa aming mga kapatid sa Surigao, magtutulungan kami upang sila ay makabangon. Sasamahan namin sa panalangin at pagbibigayan upang sila ay maging matatag sa pananampalataya at patuloy na magtiwala sa inyong kabutihan at kalooban. Amen.” panalangin ni Bishop Santos.

Hiniling naman ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sa panginoon na iligtas sa anumang kapahamakan ang mga Surigaonons.

“Panginoon, Ama namin sa langit, kami po ay nagimbal nitong nangyari sa mga kababayan namin sa Iyong mga anak sa Surigao sa lindol na naganap, tinataas namin sila sayo, iligtas mo po sila sa anumang kapahamakan at nawa itong naganap ay maging isang pangyayari na magpapagising sa kanila na may mga nagaganap na hindi namin kayang kontrolin. Ito nawa ay maging pagkakataon upang sariwain nila ang kanilang pananalaig sa Iyong kabutihan, sa Iyong kapangyarihan, sa Iyong pagmamahal. Kaya Panginoon iyon pong mga nasawi ay Iyong tanggapin sa Iyong kaharian at yaong may mga kapansanan dahilan sa naganap ay iyong patnubayan at nang makabawi, at yung lahat ng mga kapatid naming naapektuhan iligtas Niyo po sila sa anumang mga damdamin na maaaring makakasira sa kanilang kalooban at sa kanilang buhay. Sa Iyong mga mapagpalang kamay pinagkakatiwala namin sila at lahat ng mga kababayan naming nakakaalam ng pangyayaring ito, idulot Mong isang pagkakataon ito upang sariwain ang pananalig sa iIo na aming Ama na hindi nagpapabaya sa amin, sa Iyo Ama, silang lahat ay aming itinatagubilin, pagpalain Mo sila ipadama Mo sa kanila ang Iyong pagmamahal, Amen.”bahagi ng dasal ni Bishop Iniguez.

Nauna rito, ipinagpasalamat ni Surigao Bishop Antonito Cabajog sa Panginoon ang pagliligtas sa maraming buhay sa pagtama ng malakas na lindol.

Read: http://www.veritas846.ph/obispo-ng-surigao-nagpaabot-ng-panalangin-sa-mga-biktima-ng-lindol/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 74,370 total views

 74,370 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 90,542 total views

 90,542 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 130,253 total views

 130,253 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 190,082 total views

 190,082 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 202,373 total views

 202,373 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 96,624 total views

 96,624 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 202,891 total views

 202,891 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 228,705 total views

 228,705 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 239,333 total views

 239,333 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top