Pagbasbas sa imahe ng Santo Nino Hubad, itinanggi ng arsobispo ng Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,261 total views

Itinanggi ng Arsobispo ng Cebu ang kumakalat na video promotion tungkol sa pagbasbas sa imahe ng Santo Nino hubad.

Ayon kay Archbishop Jose Palma, batay sa nakalap na impormasyon ay isang nagpakilalang pari ang may promotion sa social media sa hubad na imahe ng Sto. Nino bilang pampa-suwerte.

Nanindigan si Archbishop Palma na walang katotohanan ang mga sinasabi sa kumalat na video promotion.

Iginiit ng arsobispo na iisang imahe lamang ng Santo Nino ang itinataguyod ng arkidiyosesis katulad ng nakadambana sa Basilica Minore del Sto. Nino de Cebu.

“Wala ko’y gibenditahan nga hubad nga Snr. Sto. Nino, ang iyang gisulti dili tinuod, [Wala akong binasabasan na hubad na Snr. Sto. Nino, ang kanyang mga sinabi (sa video promotion) ay walang katotohanan].” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma.

Pinaalalahanan naman ng Basilica Minore del Sto. Nino de Cebu ang mga deboto na iisa lamang ang official facebook page ng dambana.

“Any other Facebook pages bearing the name of the Basilica is not in any way connected to the institution. We would like to remind all the faithful to be mindful and careful of these pseudo accounts.” ayon sa basilica.

Hinimok nito ang mananampalataya na i-report ang mga nagsulputang FB account na ipinangalan sa basilica upang maiwasan ang scam.

Binigyang diin ni Archbishop Palma na walang kinalaman sa pananampalataya ang Sto. Nino de la Suerte sapagkat ang sacred images ng simbahan ay tumutulong sa pagpapalago ng pananampalataya at ugnayan sa Panginoon at hindi pampasuwerte.

Pinag-iingat nito ang publiko lalo’t laganap sa lipunan ang mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang simbahan sa fradaulent activities.

Matatandaang ang Santo Nino de Cebu ay isa sa mga tanyag na debosyon sa Pilipinas kung saan ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Enero na dinadaluhan ng milyong mananampalataya gayundin ng mga turistang lokal at dayuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 6,493 total views

 6,493 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 6,493 total views

 6,493 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 120,314 total views

 120,314 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 143,263 total views

 143,263 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 163,958 total views

 163,958 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top