Pagbibitiw ni Cimatu sa DENR, ikinagulat ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Ikinabigla ng Alyansa Tigil Mina ang biglaang pagbibitiw ni Secretary Roy Cimatu bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Ito’y sa kadahilanang mayroong iniindang karamdaman si Cimatu na hindi rin malinaw na nakasaad sa kanyang ‘resignation letter’.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, bagamat hindi na kailangan pang kwestyunin ang kalagayang pangkalusugan ng dating kalihim ay dapat pa ring maging ‘transparent’ ang pamahalaan.

“Hindi magandang senyales ‘yan ng isang lider. Bagamat hindi na natin kekwestyunin kung health reasons ang kanyang sinabi…pero in the interest of transparency, wala naman sigurong mawawala kung mas magiging bukas at sasabihin nila kung ano ‘yung health problem niya,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Sa liham mula sa Office of the President, ipinabatid ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagbibitiw ni Cimatu.

Si Cimatu ay naglingkod bilang kalihim ng DENR mula May 2017, matapos na ihalal ni Pangulong Duterte upang palitan ang dating kalihim at ngayo’y yumaong si Gina Lopez na ang pagkakahirang ay tinanggihan ng Commission on Appointments.

Gayunman, ipinagdarasal ng ATM ang agarang paggaling ni Cimatu sa kanyang karamdaman.

“Sana ay gumaling siya kaagad at makarecover siya kung anuman ‘yung health reasons na yun. Bilang isang indibidwal syempre, tayo naman ay nagdadasal na maging malusog ang lahat at kasama si Sec. Cimatu sa pinagdarasal natin,” ayon kay Garganera.

Samantala, nagpahayag din ng saloobin ang grupo hinggil sa pagkakahirang kay Undersecretary Jim Sampulna bilang officer-in-charge ng DENR na sa kanilang palagay ay kulang pa ang kakayahan upang pamunuan ang ahensya.

Nakikita rin ni Garganera na maaaring mas pahintulutan lamang lalo ni Sampulna ang operasyon ng pagmimina dahil sa hangaring muling buhayin ang ekonomiya ng bansa.

Panawagan naman ng ATM na nawa’y maging bukas sa pakikipagdiyalogo ang opisyal upang maging mas kapaki-pakinabang ang ugnayan ng pamahalaan sa mamamayan sa pagpapatupad ng mga batas tungo sa pangangalaga ng kapaligiran.

“Nananawagan ang ATM na maging bukas ang bagong kalihim sa diyalogo, sa pakikipag-usap. Tingin ko kung gusto niya [Sampulna] talagang magkaroon ng kapaki-pakinabang na relasyon sa mga tao at mga environmental groups, bukas naman kami makipag-usap. Pero kung hindi sila interisado, mananatili tayong maingay, mananatili tayong mapagmatyag at babantayan natin ang DENR,” saad ni Garganera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 29,820 total reads

 29,820 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 113,846 total reads

 113,846 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 208,177 total reads

 208,177 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 269,863 total reads

 269,863 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 314,153 total reads

 314,153 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,463 total reads

 210,463 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top