Pagbuwag sa protesta laban sa Woggle Corporation, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,645 total reads

Nakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) sa mamamayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, sa pagtatanggol sa lupain at buhay laban sa isinasagawang mining exploration ng Woggle Corporation.

Ayon sa CMSP-JPICC, bilang mga taong naglaan ng buhay sa paglilingkod alinsunod sa Ebanghelyo, tungkulin nilang manindigan kung saan nanganganib ang buhay at dignidad ng tao.

Kaugnay ito ng mapayapang barikadang inilunsad ng mga residente ng Dupax del Norte at ng Oyao Village Council, na humantong sa karahasan matapos subukang buwagin ng mga pulis.

“No project has moral legitimacy when it endangers communities, disregards consultation, or undermines the covenant between people and creation,” pahayag ng CMSP-JPICC.

Suportado rin ng komisyon ang panawagan ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na igalang ang lupaing ninuno bilang bahagi ng pagkakakilanlan at alaala ng mga katutubo.

Sinabi ng CMSP-JPICC na ang paninindigan ng obispo para sa pagbabantay at pangangalaga sa buhay ng tao ay nagpapakita ng pagiging mabuting pastol ng Simbahan, na hindi kayang ipagsawalang-bahala ang mga pinatatahimik.

“His voice unites ecclesial concern with the cry of the poor and strengthens our conviction that ecological justice is a pastoral duty,” ayon sa komisyon.

Nanawagan din ang CMSP-JPICC sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Mines and Geosciences Bureau (MGB), at iba pang kaukulang ahensya na hindi lamang suspindihin kundi tuluyang bawiin ang mga permit na lumalabag sa karapatan ng mga pamayanan at sa Nueva Vizcaya Environmental Code.

Iginiit ng komisyon na ang pagmimina sa Dupax del Norte ay naglalagay sa panganib sa mga watershed, kabuhayan, at pamanang kultura ng mga katutubo.

Kasabay nito, nanawagan din ang mga relihiyoso’t relihiyosa sa mga mananampalataya na makiisa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng panalangin at pagkilos para sa katarungang pang-ekolohikal.

“May our Church remain steadfast in its witness that the earth is God’s, its people are sacred, and creation is not for sale,” saad ng CMSP-JPICC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 46,722 total reads

 46,722 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 93,593 total reads

 93,593 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 194,860 total reads

 194,860 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 265,037 total reads

 265,037 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 348,804 total reads

 348,804 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 200,596 total reads

 200,596 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top