Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdakip kay dating pangulong Duterte, isang moral na proseso sa katarungan at katotohanan

SHARE THE TRUTH

 14,199 total views

Makakamit lamang ang tunay na kapayapaan kung kikilalanin ang mga maling nagawa ng nakaraan at pananagutin ang mga may kasalanan.

Ito ang binigyang-diin ng Conference of Major Superiors in the Philippines-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) kaugnay sa pagkakaaresto ng International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa CMSP-JPICC, ito’y mahalagang hakbang upang tugunan ang hindi mabilang na paglabag sa karapatang pantao na naganap sa ilalim ng Administrasyong Duterte, lalo na ang madugong war on drugs na kumitil ng libu-libong inosenteng buhay.

“For years, victims’ families, human rights defenders, and faith-based organizations have sought justice for the thousands of extrajudicial killings, enforced disappearances, and other abuses, mostly targeting the poor and marginalized,” pahayag ng CMSP-JPICC.

Iginiit ng kapulungan na ang kautusan ng ICC laban kay Duterte ay hindi lamang usaping legal kundi isang moral na panawagan para sa hustisya at katotohanan.
Paliwanag ng CMSP-JPICC, ang pananagutan ay mahalaga sa paggaling ng lipunan at hindi dapat piliin lamang kung sino ang mananagot, kundi papanagutin ang lahat ng may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao.

“Justice must not be obstructed, and Duterte, along with those who enforced and enabled his reign of terror, must face the consequences of their actions. This is not about vengeance but about upholding the dignity of every person, especially the poor and vulnerable,” giit ng kapulungan.
Una nang nanawagan ang Simbahan at human rights groups sa administrasyong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., upang wakasan ang marahas na kampanya laban sa ilegal na droga at makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC para sa katarungan ng mga biktima.
Batay sa ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), halos 9,000 katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte, habang tinatayang mahigit 20,000 naman ayon sa iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,341 total views

 8,341 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,441 total views

 16,441 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,408 total views

 34,408 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,743 total views

 63,743 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,320 total views

 84,320 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,842 total views

 7,842 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,133 total views

 9,133 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,532 total views

 14,532 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,516 total views

 16,516 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top