Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paggamit sa mga imahen ng Santo sa iligal na gawain, Kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mariing kinundena ng Simbahang Katolika ang paggamit ng imahe ng mga Santo sa masamang gawain.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, ito ay kalapastanganan sa pananampalatayang Katoliko.

Ito ang reaksyon ng Obispo kaugnay sa nadiskubreng iligal na droga sa likod ng imahe ng Mahal na Birhen na ipinuslit sa Ninoy Aquino International Airport.

“Sana hindi gamitin ang mga bagay sa ating Simbahan tulad ng mga Santo para gumawa ng masama.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Nanawagan ang Obispo na iwasan ang mga masasamang gawain tulad ng pakikisangkot sa iligal na droga.

Batay sa ulat ng Bureau of Customs, nakumpiska ang nasabing frame ng Mahal na Birhen sa Ninoy Aquino International Airport kung saan isiniksik sa likurang bahagi ang mga shabu.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapena, sinasamantala ng mga sangkot sa iligal na droga ang mga Filipino dahil higit sa 80 porsiyento dito ay mga Katoliko.

Binigyang diin ni Bishop Vergara na dapat palakasin ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen lalo’t ang buwan ng Oktubre ay tinaguriang buwan ng Santo Rosario kung saan pinararangalan ang Mahal na Ina.

“Ngayon po ay buwan ng Oktubre at ating pinaparangalan ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario, sila’y paalala sa atin na tayo po ay magdasal at sila ang naging daan din na lalong tumibay ang ating pananampalataya sa Diyos lalo na ang Panginoong Hesus.” dagdag ng Obispo.

Sa kabuuan aabot sa higit 15 milyong piso ang nakumpiskang iligal na droga na nakasilid sa iba’t ibang mga produkto kabilang ang nasa larawan ng Mahal na Birhen.

Bagamat suportado ng Simbahang Katolika ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, nanindigan itong hindi wasto ang pamamaraan nitong paslangin ang mga sangkot sa iligal na gawain.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 10,020 total views

 10,020 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,503 total views

 21,503 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,192 total views

 37,192 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,947 total views

 37,947 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,555 total views

 47,555 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,757 total views

 2,757 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top