Paghahanda sa kalamidad, paiigtingin pa ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Lalo pang paiigtingin ng Simbahang Katolika pa ang kampanya sa paghahanda sa mga magaganap na kalamidad.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Emerson Luego, Social Action Director ng Diocese of Tagum matapos dumalo sa pagpupulong na inilunsad ng Caritas Manila at Radyo Veritas na tinawag na “Oplan Damayan”.

Ayon kay Fr. Luego, hindi nila malilimot ang pinsala at pangamba na idinulot ng bagyong Pablo ng manalasa itong sa Mindanao Region noong taong 2012 kaya naman nais nilang mas paigtingin ang kahandaan mula sa bahagi ng Simbahan.

“That was our first time na makaranas na ganun katindi ang bagyo kaya nagkaroon na din ng consciousness hindi lang ang mga kaparian pati na mga parokyano at mga kababayan natin dito na kung saka-sakali handa na talaga sila.”pahayag ni Fr. Luego sa panayam ng Radio Veritas.

Sa pamamagitan aniya ng “Oplan Damayan” ay magkakaroon naman ng pinagisang pagkilos at mas epektibong komunikasyon ang kanilang diyosesis sa iba pang lalawigan na madalas din makaranas ng mga kalamidad.

“Ito na yun tinutukoy naming na mangyari, na nabigyan na ng panahon na matutukan lalo na sa Mindanao, na meron samahan ang mga DSAC’s(Diocesan Social Action Director) para ma-discuss ano ang mga posibleng magawa natin tulong sa panahon ng sakuna.”dagdag pa ni Fr. Luego.

Samantala, Naniniwala naman si Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Maasin Leyte na kailangan pang madagdagan ang kaalaman ng Simbahan sa Emergency Response.

Ayon kay Fr. Gozo, kailangan ang koordinasyon lalo na sa mga tagapamuno ng Simbahan at mga Parokya upang agarang makatulong sa oras ng kalamidad.

“Nakikita ko po na kailangan talaga yung quick response sa emergency situation saka dapat may coordination sa iba’t-ibang parokya kapag may dumating na kalamidad.”pahayag ni Fr. Gozo sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa datos ng UN, sinasabing ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansa na pinaka-nakararanas ng mga kalamidad sa buong mundo. Ang Simbahang Katolika sa Pilipinas ay agad na kumikilos sa pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng Caritas Philippines at Caritas Manila, mga kilalang Social Arm ng Simbahan sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 3,099 total views

 3,099 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,909 total views

 40,909 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 83,123 total views

 83,123 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,654 total views

 98,654 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,778 total views

 111,778 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 15,072 total views

 15,072 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 28,755 total views

 28,755 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 42,047 total views

 42,047 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top