Paghuli sa mga lalabag sa quarantine restriction, kinondena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang direktiba ng pamahalaan hinggil sa paghuli sa sinumang tatangging magpabakuna o lalabag sa quarantine restrictions laban sa COVID-19.

Inihayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacquelin Ann de Guia na maliban sa labag sa karapatang-pantao, hindi rin nakasaad sa 1987 Constitution ang batas kung saan ang indibidwal na hindi nagpabakuna ay maituturing na isang kriminal.

“Presently, there is no law that makes being unvaccinated a crime, nor is there any law that would satisfy the Constitutional provision on curtailing freedom of movement. Any arrest made on these grounds may be illegal; thus, violative of the Constitution and our guaranteed human rights,” pahayag ni Atty. de Guia.

Inihayag ng tagapagsalita na labag sa konstitusyon ang “warrantless arrest” maliban na lamang kung maaktuhang gumagawa ng krimen ang isang indibidwal at iginiit nito na ang hindi pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay hindi isang krimen.

“The present directive to arrest unvaccinated individuals on-the-spot does not satisfy the said exemptions, aside from the fact that, as mentioned, no crime is being committed,” ayon kay de Guia.

Binigyang-diin naman ni de Guia na sa halip na magpatupad ng mga ganitong uri ng direktiba, mas pagtuunan na lamang ng pansin ng pamahalaan ang mga piitan sa bansa kung saan nagsisiksikan ang maraming preso na maaari namang maging dahilan ng mas malalang hawaan ng COVID-19.

Samantala, panawagan ng CHR sa Administrasyong Duterte na magpatupad ng mas makatarungang pamamaraan na matutugunan ang mga suliranin hinggil sa pagpapabakuna at mas mahihikayat ang mamamayan na magpabakuna laban sa nakahahawa at nakamamatay na virus.

“CHR urges the government to employ a human rights-based approach on the matter, wherein education on the importance of vaccinations will continue to be pursued; vaccine hesitancy, access, and supply will be addressed; and alternatives to arrests will be explored, including understanding why others insist on going out despite being unvaccinated and providing a win-win solution,” saad ni de Guia.

Patuloy namang kinikilala at ginagalang ng Simbahang Katolika ang malayang pagpili ng sinuman sa pagnanais nitong magpabakuna o hindi batay sa kanyang konsensya.

Ngunit sakaling hindi magpabakuna ang isang indibidwal, tungkulin naman nitong patuloy na pangalagaan ang sarili maging ang kapwa upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 3,593 total reads

 3,593 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 3,711 total reads

 3,711 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 16,375 total reads

 16,375 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 139,181 total reads

 139,181 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 189,545 total reads

 189,545 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 316,603 total reads

 316,603 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 401,358 total reads

 401,358 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 231,102 total reads

 231,102 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top