Pagiging batas ng CMTA, malaking tulong sa OFWs – Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Ikinatuwa ng Catholic Bishop Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang paglagda ng Pangulong Aquino sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, magbibigay sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang naturang batas ng mataas na tax exemption ceiling sa mga ‘balikbayan boxes’ mula P10,000 hanggang P150,000.

Paliwanag pa ni Bishop Santos na dahil sa naturang batas hindi na kinakailangan pang istriktong inspekyunin ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang mga ‘balikbayan boxes,’ at maiwasan na ang pagnanakaw sa ilan sa mga laman ng kanilang ipinapadala.

“It is a good news to our OFW, and we are grateful for making it a law. A relief and assurance for our OFW as they can pay less to send balikbayan boxes and they can send more to their loved ones. With increased tax exemptions custom officials don’t have to strictly inspect Balikbayan boxes, and so stealing some items or destruction of balikbayan boxes will be avoided,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Sa ilalim din ng nasabing batas, magiging mas transparent ang Customs at papatawan ng mas mataas na parusa ang mga smugglers.

Nasa 350 pahina ang kalalagdang batas kaugnay sa BoC.

Nabatid na ayon mismo sa BoC, nasa 1,500 containers ng balikbayan boxes ang pumapasok sa bansa kada buwan o katumbas ito ng 18,000 kada taon o umaabot sa 7.2 milyong balikbayan boxes.

Nauna na ring kinilala ni Pope Francis ang sakripisyo at pagsusumikap ng may 15 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo.

Ayon sa Santo Papa, napakahalaga ng tungkulin ng milyun-milyong Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa sa pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,805 total reads

 43,805 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 129,169 total reads

 129,169 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,906 total reads

 175,906 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 223,778 total reads

 223,778 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 325,718 total reads

 325,718 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,156 total reads

 313,156 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 419,254 total reads

 419,254 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top