Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging natural barrier ng Sierra Madre sa bagyo, kinilala ng Pari

SHARE THE TRUTH

 887 total views

Muling nanawagan si Fr. Pete Montallana, OFM, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance na patuloy na pangalagaan ang Sierra Madre laban sa anumang panganib na hatid ng mga mapaminsalang proyekto.

Ito ang pahayag ng pari matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding kasabay rin ng paggunita sa Save Sierra Madre Day ngayong araw.

Ayon kay Fr. Montallana, muling nasaksihan ang kakayahan ng bulubundukin ng Sierra Madre na pangalagaan ang bansa lalo na ang malaking bahagi ng Luzon, sa pamamagitan ng pagbasag at pagpapahina sa bagyo.

Sinabi ng pari na hindi lamang mainam sa pagtugon sa epekto ng bagyo ang bulubundukin at kagubatan ng Sierra Madre kun’di maging sa pagtugon sa pagbabago ng klima ng bansa.

“Sana marealize ng mga tao na napakalaking ambag ng Sierra Madre sa atin. Totohanin din sana ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang mandato na alagaan talaga ang kalikasan, at tayong lahat magtulung-tulong kasi ang buhay ng Sierra Madre ay buhay ng lahat,” pahayag ni Fr. Montallana sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Montallana na ang pagiging natural barrier ng Sierra Madre laban sa mga sakuna ang naghahatid ng kaligtasan sa mga tao dahil naiiwasan nito ang posibleng mga pinsalang dulot ng mga dumadaang bagyo sa bansa.

Samantala, hinihiling naman ng pari sa pamahalaan na muling pag-aralan ang mga binabalak na proyekto sa bahagi ng Sierra Madre lalo na ang Kaliwa Dam Project.

Sinabi ni Fr. Montallana na maliban sa negatibong epekto ng pagpuputol ng punongkahoy upang bigyang-daan ang Kaliwa Dam, nakaamba rin dito ang panganib ng aktibong Infanta fault line.

“It is almost seating eight kilometers lang ang layo sa Kaliwa dam. Imagine noong 1882, ang Infanta fault line which is part of the Philippine fault line, nasira ang Infanta. Ang mga simbahan pati ang katedral d’yan sa Maynila ay nasira din. Ganyan kalakas ang Infanta fault line kapag gumalaw,” saad ng pari.

Ang Sierra Madre na tinagurian bilang “the back bone of Luzon”, ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas na mayroong 500 kilometro ang haba at binabagtas ang mga lalawigan mula Cagayan hanggang Quezon.

Taong 2012 nang ideklara ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Save Sierra Madre Day upang paigtingin ang pangangalaga sa bulubundukin at alalahanin ang mga naging biktima ng matinding pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2009.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 55,088 total views

 55,088 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 66,805 total views

 66,805 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 87,638 total views

 87,638 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 103,259 total views

 103,259 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 112,493 total views

 112,493 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 5,316 total views

 5,316 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 9,000 total views

 9,000 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top