Kawani at volunteers ng RCAM, magdarasal ng Santo Rosaryo

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Magtitipon ang 1,000 lay employees at volunteer’s ng Archdiocese of Manila para magdasal ng Santo Rosaryo sa October 3, 2022.

Ayon kay Fr. Sanny De Claro, Episcopal Vicar for Lay Employees ng arkidiyosesis ito ay hudyat ng pagsisimula sa rosary month gayundin ang paghikayat sa mananampalataya na ugaliin ang pagdulog sa Panginoon sa pamamagitan ng Santo Rosaryo.

“This event is in conjunction with the opening of the October Rosary devotion. We wish to promote and encourage everyone to recite the rosary daily especially in the whole month of October,” pahayag ni Fr. De Claro.

Gaganapin ito sa Manila Cathedral mula alas 8:30 ng umaga na susundan ng Banal na Misang pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula.

Isasagawa ito sa harap ng nakadambanang imahe ng Our Lady of the Holy Rosary de La Naval na kamakailan ay nagsagawa ng dalaw patrona bilang paghahanda sa kapistahan sa October 7.

Una nang ideneklara ng simbahan sa Pilipinas ang buwan ng Oktubre bilang rosary month bilang pagpaparangal sa kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary tuwing October 7.

Batay sa Catholic tradition ang banal na rosaryo ay itinatag ng Mahal na Birheng Maria kung saan nagpakita ito kay St. Dominic noong ika – 13 siglo at nagbigay ng rosaryo kasabay ng kahilingang dasalin ang ‘Hail Mary, Our Father at Glory Be’ sa halip na usalin ang salmo o mga awit.

Si St. Dominic ang tagapagtatag ng Order of Preachers o Dominicans at ang orihinal na rosaryo nito ay may 15 decades.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 299 total views

 299 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,119 total views

 15,119 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,639 total views

 32,639 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,212 total views

 86,212 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,449 total views

 103,449 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,433 total views

 22,433 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 26,200 total views

 26,200 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top