Pangangailangan ng mga napinsala ng bagyong Karding, tinutugunan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 854 total reads

Patuloy ang Diocese of Malolos Social Action Center (SAC) sa assesment ng pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Monsignor Melchor Ignacio – SAC director ng Diocese of Malolos, ang munisipalidad ng San Miguel Bulacan ang pangunahing napinsala matapos ang pagbahang idinulot ng bagyo na dahilan ng pagkasira ng mga bahay.

“In general naman doon sa sampung bikarya, isang bikarya lang talaga ang medyo napuruhan which is yung bayan ng San Miguel, as per Social Action Coordinators namin doon sa mga bikarya doon lang ang mga low-lying na mga lugar na nabaha pero ang LGU ay inayos na kaagad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Monsignor Ignacio.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtugon ng SAC Malolos sa pangangailangan ng mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo.

Bukod sa pagbubukas ng mga simbahan upang magsilbing evacuation centers ay tiniyak ni Monsignor Ignacio ang kahandaan na agad mamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.

“So ayun po ang number one priority ngayon and then ayun nga yung assesment, tingnan namin kung ano pa yung pwedeng maibigay na tulong once na makita namin yung situation, tapos yung mga mga simbahan ay binuksan for evacuees simula kagabi,” pahayag ni Monsignor Ignacio sa Radio Veritas.

Patuloy din ang rapid assessment ng mga Diyosesis sa Luzon na naapektuhan ng bagyong Karding.

READ:

https://www.veritasph.net/mga-lider-ng-simbahan-sa-luzon-nagpapasalamat-sa-maliit-na-epekto-ng-bagyong-karding/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 80,749 total reads

 80,749 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,223 total reads

 115,223 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,523 total reads

 150,523 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 376,792 total reads

 376,792 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 265,856 total reads

 265,856 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top