Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging Santo ni Titus Brandsma – Martyr of Press Freedom, karangalan sa Order of Carmelites Philippines

SHARE THE TRUTH

 675 total views

Nagagalak ang Order of Carmelites Philippine Province of Blessed Titus Brandsma sa nakatakdang canonization ng santo sa May 15.

Ayon kay Father Rico Ponce, O.Carm, Prior provincial of the Philippine Province, isang karangalan ng mga Carmelong Pilipino ang pagkakatalagang santo ni Titus Brandsma at inspirasyon sa buong Simbahang Katolika bilang martir.

Iginiit ng pari na napapanahon ang pagkakatalagang santo ni Blessed Titus lalo’t nahaharap ang mundo lalo na ang Pilipinas sa laganap na fake news na isang adbokasiya ng santo bilang mamamahayag.

“Having our Province named after this modern-day martyr and mystic is made more meaningful by our own present struggles against the venom of deceit, lies, fake news, historical revisionism and all other forms of disinformation,” pahayag ni Fr. Ponce.

Batid ng Carmelite priest ang kasalukuyang suliranin ng bansa kung saan unti-unting nagagamit ang media sa maling paraan.

“We are currently embroiled in a battle against the vicious enemies of truth, as well as those who try to manipulate the use of media and communication technology for their own selfish ends,” ani ng pari.

Tinaguriang ‘Defender of Truth’ at ‘Martyr of Press Freedom’ si Blessed Titus dahil sa paninindigan sa katotohanan nang tanggihang ilathala sa Catholic newspaper ang Nazi propaganda dahilan upang paslangin noong July 26, 1942 sa Dachau concentration camp.

Bukod sa pagiging Carmelite priest, si Blessed Titus ay isa ring guro at mamamahayag na nagsusulong ng katotohanan sa lipunan na nababatay sa kalooban ng Panginoon.

“We have much to learn and to imitate from Titus Brandsma, who defended Truth and Press Freedom until his dying breath,” giit ni Fr. Ponce.

Si Blessed Titus ay kabilang sa sampung itatalagang santo ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican at ituturing na patron ng mga mamamayag o media.

Bilang pagkilala ng Filipino Carmelites sa santo ipinagpatuloy nito ang inisyatibong Titus Brandsma Media Center na layong magbahagi ng media education at pastoral care for media professionals; Titus Brandsma Media Awards, na kumikilala sa natatanging media practitioners na nagpapahalaga sa katarungan, katotohanan, kalayaan at nagtataguyod sa kapakanan ng mga mahihirap sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,466 total views

 13,466 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,566 total views

 21,566 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,533 total views

 39,533 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 68,799 total views

 68,799 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,376 total views

 89,376 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,864 total views

 3,864 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,472 total views

 9,472 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,627 total views

 14,627 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top