Pagiging self-serving ng Pangulong Marcos, pinuna ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,914 total reads

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na maipamalas ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagiging mabuting lingkod bayan sa kabila ng tunay na intensyon nito sa muling pagsabak sa pulitika.

Inihayag ito ni Raymond Daniel Cruz, Jr.-National President ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa pag-amin ng pangulong Marcos kay World Economic Forum President Børge Brende na para sa “political survival” ng pamilya ang kanyang pagbabalik sa larangan ng pulitika.

Ayon kay Cruz, hindi nakakagulat ang pahayag ni Pangulong Marcos na self-serving ang kanyang intensyon sa pagbabalaik pulitika.

Gayunman, inaasahan ni Cruz na pagsilbihan ng mabuti ng pangulong Marcos ang mga Pilipino na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng pagkakataon na pamunuan ang bansa.

“Ang pag-amin ni PBBM na para sa political survival ng pamilya Marcos ang kanyang pagtakbo sa politika ay hindi nakakagulat. Bagamat ito ay isang pag-amin na self-serving ang kanyang intention, hindi rin ito ang mas mahalahagang tanong. Ang tanong na dapat ngayong bigyan pansin ay “Ano na? at Saan ba?”. Ano na ang dapat gawin ng isang Pangulo na nabigyan nang pagkakataong magsilbi sa bayan. Ipakita sana niya ang tunay na katangian ng isang lingkod bayan. Saan ba niya balak dalhin ang bayan?” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Hinimok naman ni Cruz ang pangulong Marcos na ilatag ng malinaw sa taumbayan ang plano ng kanyang administrasyon.

Pinuna naman ni Cruz ang maraming entourage ng Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Davos, Switzerland na senyales ng pagiging manhid nito sa nararanasang kahirapan ng bansa.

Iginiit ni Cruz na kung ninanais ng pamilya Marcos ang political survival ay mas higit na kailangan ng survival ng Pilipino mula sa iba’t ibang uri ng pahirap.

“Meron bang maliwanag na direksyon ang kanyang pamahalaan? At ang huling tanong ay kaya ba niyang pagmalasakitan ang bayan? Ang pagdala nang mahigit 70 tao sa Davos ay senyales nang pagiging manhid sa kalagayan ng ating bansa. Kung kailangan nang pamilya nila ng “survival” sana naman ay “survival” ng bayan ang pag-isipan niya. Ano na? Saan ba? May malasakit nga ba?” dagdag pa ni Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 37,049 total reads

 37,049 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 74,799 total reads

 74,799 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 110,097 total reads

 110,097 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 336,367 total reads

 336,367 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 227,448 total reads

 227,448 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top