1,968 total views
May kalayaan ang pangulo ng bansa na magtalaga ng mga opisyal ng puwersa ng pamahalaan na magiging katuwang sa pagsasakatuparan sa kanilang mandato na protektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.
Ito ang ibinahagi ni Task Force Detainees of the Philippines Chairman Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm. sa kontrobersyal na magkasunod na balasahan sa liderato ng Department of National Defense (DND) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa Pari, bahagi ng kalayaan at karapatan ng pangulo na magtalaga ng mga opisyal at isaayos ang hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Umaasa naman si Fr. Buenafe na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines na anumang desisyon ng pangulo ay para sa ikabubuti ng sistema at serbisyo ng ahensya.
“Pinapalakas niya ba ang military o ang AFP or hindi ko alam kung sini-systematized niya or you know pino-professionalized niya kung that is part of his game plan na irere-org (reorganized) niya well prerogative niya yan pero I hope whatever is the president doing it should be for the betterment of the system and of course of the services para sa tao,” pahayag ni Fr. Buenafe sa Radio Veritas.
Naging kontrobersyal ang pagsibak ng pangulong Marcos kay AFP Chief Lt. Gen. Bartolome Bacarro ni Andres Centino na sinundan naman ng pagbibitiw ni DND Officer-in-Charge Jose Faustino Jr., kung saan itinalagang kapalit si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.