Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkaantala ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa RCEP, pinuri ng FFF

SHARE THE TRUTH

 539 total views

Ikinagalak ng Federations of Free Farmers (FFF) ang pagkaantala ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na kasunduan ng free trade.

Ito ay matapos hindi magkaroon ng anumang pag-dinig at pag-boto ang mga mambabatas sa Senado sa kanilang pinakahuling Session.

Naunang isinumite sa Senado ang panawagan laban sa RCEP na nilagdaan ng may 127 mga Agricultural groups at indibidwal na naninindigan na hindi makakatulong sa sektor ang patuloy na pagtanggap ng pamahalaan ng imported supplies ng walang taripa.

Sa halip ay pinapahina nito ang lokal na produksyon ng pagkain sa bansa kung saan nakakaranas ng labis na pagkalugi at kawalan ng kabuhayan ang mga mangingisda at magsasaka.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Atty.Bong Inciong, isa sa mga magiging pangunahing suliranin ng pakikibahagi ng Pilipinas sa RCEP ay ang pagpasok at posibilidad ng pagkalat ng ibat-ibang uri ng sakit mga alagaing hayop katulad ng African Swine Fever

Inihayag ni Inciong sa Radio Veritas na hindi nasusunod sa kasalukuyan ang maayos na ‘Quarantine Procedures’ ng mga karne sa ilalim ng mga patakaran sa naunang pakikibahagi sa World Trade Orginazation (WTO).

“Dominado ito ng China, ang ating WTO buong mundo ang kasali, may balanse ka, dito dominado ito ng China, yang China kilalanin na natin diyan nanggagaling yung karamihan ng sakit ng tao atsaka ng hayop, yung ASF diyan din nanggagaling diyan-galing ang china dito nakapasok,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Inciong.

Pinangangambahan rin ni Inciong ang pagiging ‘Dependent’ ng pamahalaan sa mga imported goods.

Una ng nanawagan ang simbahang katolika ng Pilipinas na bigyang pansin ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura ng bansa dahil sila ang pangunahing lumilikha ng pagkain at upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kabila ng Pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 29,956 total views

 29,956 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 44,016 total views

 44,016 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 62,587 total views

 62,587 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 87,226 total views

 87,226 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 14,273 total views

 14,273 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567