Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 605 total views

Kapanalig, kung pagbabasehan natin ang social media pati na rin ang mga nangungunang balita sa ating bansa, parang ang gulo gulo ng ating bayan. Ika nga ng millennials, maraming ganap.

Ano nga ba ang kapayapaan? Ayon sa Institute for Economics and Peace, may negative peace at positive peace. Ang negative peace ay ang kawalan ng karahasan o takot sa karahasan. Ang positive peace naman ay ang attitudes o kaugalian, mga institusyon, at struktura na naglilikha at nagpapa-iral ng mapayapang lipunan. Ayon sa 2020 Peace Index ng ahensya, ang ating bansa ay pang 129 sa 163 na bansa. Mababa ang score na ito kapanalig, at ito ay dahil sa internal conflict, pati na rin sa napapansing kriminalidad sa ating bansa.

Siyempre kapanalig, nais natin na magkaroon ng kapayapaan sa ating bayan. Ang kapayapaan kasi, kapanalig, ay prerequisite o kondisyon bago sa kaunlaran o development.  Kahit ano kasing ilunsad natin na proyekto, kung laging may manggugulo, hindi ito uusad. May pagsusuri nga ang The Economist noong 2011 pa. Tinatanong nito kung mahirap ba ang mga bansa dahil sila ay marahas, o marahas sila dahil sila ay mahirap? (Are countries poor because they are violent or violent because they are poor?) Ayon sa artikulong ito, ang karahasan ay nagiging poverty trap.

Pero kapanalig, kailangan nating palawakin din ang ating pagka-unawa sa kapayapaan. Karaniwang natin iniisip na gyera lamang, o laban sa NPA, o sa mga sindikato o kriminilad ang batayan ng kawalan ng kapayapaan. Masasabi din natin na ang bangayan sa social media at sa pulitika ay isa ring uri ng karahasan para sa ating lipunan. Ang araw araw na kaguluhan sa  politika ng ating bayan na nasasalamin sa mga awayan din ng kanilang followers sa social media ay balakid din sa kaunlaran. Sa halip na nagkakaroon ng isang direksyon ang ating bayan, lalo pa tayong mas pinagwawatak watak nito. At sa ating pagkawatak-watak, ang hirap umusad ng mga magagandang proyekto. Ito, sa aking palagay, ay poverty trap na rin nating maituturing.

Kapanalig, ang teknolohiya ay binibigyan tayo ng pagkakataon na makapagtaguyod ng kapayapaan sa ating panahon ngayon.  Pinag-aaralan na ito ng maraming mga eksperto. Ayon nga sa mga researchers, policymakers, at tech companies na dumalo sa 2021 Stockholm Forum on Peace and Development,  maari nating malinang ang social media para sa mga proseso ng peacebuilding. Ito ay maaaring magamit para sa conflict stakeholder analysis, social mobilization para sa kapayapaan at demokrasya, pati na rin nga sa mga early warning hindi lamang ng bagyo, kundi sa mga kaguluhan.

Huwag sana nating sayangin ang oportunidad na ito.   Ayon nga sa Laborem Exercens: The structure of the present-day situation is deeply marked by many conflicts caused by man, and the technological means produced by human work play a primary role in it. Linangin natin ang teknolohiya, kapanalig, para sa kapakinabangan ng lipunan, hindi para sa kasiraan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,020 total views

 34,020 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,150 total views

 45,150 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,511 total views

 70,511 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,900 total views

 80,900 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,751 total views

 101,751 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,602 total views

 5,602 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,021 total views

 34,021 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,151 total views

 45,151 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,512 total views

 70,512 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,901 total views

 80,901 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,752 total views

 101,752 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,719 total views

 94,719 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,743 total views

 113,743 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,417 total views

 96,417 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,035 total views

 129,035 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,051 total views

 126,051 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top